Santa Maria Magdalena De Pazzi

Madre

Kapanganakan: Abril 2, 1556

Kamatayan: Mayo 25, 1607

Araw ng Kapistahan: 25 Mayo

            Si Catalina, ang dating pangalan ni SANTA MARIA MAGDALENA, ay sumilang sa Florence noong ika-2 ng Abril, 1556 sa marangal na angkan ng mga Pazzi. Hindi siya sumunod sa hangarin ng kanyang mga magulang na mag-asawa sapagkat mula pa sa kanyang unang pakikinabang, naihandog niya na ang kalinisan ng kanyang katawan at kaluluwa sa Panginoong Diyos. Ang buhay ng santang ito ay lipos ng mga kababalaghang paniniwalaan-dili. Isa lamang ang kanyang minimithi sa buhay – ang magtiis.

Salungat sa pag-asa ng kanyang mga magulang, si Catalina ay pumasok na madre sa kumbento ng mga Carmelita sa Florence noong 1582 at pagkaraan ng ilang buwan dahil sa malubha niyang karamdaman ay pinahintulutang makagawa ng tinatawag na  voto o pangako sa pagmamadre pagkatapos ng panahon ng pagsubok. Subalit matapos ang seremonya, naganap ang isang kababalaghan: sa loob ng dalawang oras ay nawalan ng malay-tao at nakita siya sa anyong nakikipag-usap sa Diyos (ecstasies). Ang santo ay di namatay sa sakit na iyon, bagkus pa’y lumakas at nabuhay ng dalawampu’t-apat na taon sa kumbento.

Di mailalarawan ang tiniis ng santa: limang taong katamlayan sa panalangin at paglilingkod sa Diyos, mga demonyong nagpapakita sa kanya sa anyong nakakatakot, kasabay ng mga tukso sa kahalayan, katamaran at katakawan. Dala ng kanyang pag-ibig sa ating Panginoonng nagtatago sa Santisimo Sakramento, sinasabing, makatatlumpung beses siyang dumadalaw sa Santisimo sa loob ng maghapon. Anang santa: “O pag-ibig na hindi minamahal at nakikilala ng kanyang mga kinapal! O kung maririnig lamang ang aking tinig sa apat na sulok ng daigdig ay ipaiibig ko siya!”

Si Santa Maria Magdalena de Pazzi ay namatay noong ika-25 ng Mayo, 1607.

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

About these ads
Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: