Ang Birhen ng laging Saklolo

Araw ng Kapistahan:26 Hunyo

Ang Mahal na Birhen ay nagpakita sa isang tga-Roma: “Makailan ko nang sabihin sa iyo na ako’y ialis mo sa tahanang ito subalit di ka naniniwala sa kabila man ng aking pagbabanta. Nararapat na ikaw ang unang umalis upang ako’y makatagpo ng isang karapat-dapat na pook.” Tulad nga ng sabi ng Birhen ang taong iyon ay namatay sa katigasan ng kanyang puso. Ipinalalagay sa kanya ng Birhen sa simbahan ang isang kuwadrong ninakaw ng isang mangangalakal sa pulo ng Crete (Timog Greece) at dinala sa Roma. Muling nagpakita naman ang Mahal na Ina sa anak ng namatay: “Sabihin mo sa iyong ina at sa lolo,’Ang MAHAL NA BIRHEN NG LAGING SAKLOLO ay nananawagan sa inyo upang siya ay alisin sa inyong tahanan; kung hindi kayo ay mamamatay agad.” Sa huling pangitain, ipinag-utos ng Birhen na ang kanyang larawan ay ilagay sa simbahang nasa pagitan ng Santa Maria la Mayor at San Juan de Letran.

Noong ika-27 ng Marso, 1499, natupad din ang kahilingan ng Mahal na Ina. Dinala ang kanyang larawang mapaghimala sa simbahan ng San Mateo. Nang ipagprusisyon ang larawna, gumaling ang isang paralitiko. Noong 1798, sinira ng mga kawal Pranses ang simbahan ng San Mateo at nawala ang larawang iyon. Nang matagpuan ang larawan, ipinag-utos ni Papa Pio IX noong Disyembre 11, 1865 na dalhin iyon sa simbahan ng San Alfonso ng mga Redentorista na siyang dating kinatitirikan ng simbahan ng San Mateo! Kaya’t ang mga Redentorista ang namamahala ng nasabing larawan.

Naliligiran ang Birhen ng mga titik Griyego, dalawang anghel – San Miguel at San Gabriel, ang una’y may dalang sibat, ang ikalawa’y isang krus – ang mga kasangkapan sa pagpapahirap sa Panginoon.

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

About these ads
Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: