San Martin de Porres

Relihiyoso

Kilala bilang: unang itim na santo ng Amerika

Kapanganakan: 9 Disyembre 1959

Kamatayan: 3 Nobyembre 1639

Patron ng: mga nars at iba pang mga katulong sa pangangalaga ng kalusugan

Ang buhay ni SAN MARTIN DE PORRES ay lipos ng mga kababalaghan.  Isinilang siya sa Lima, Peru, noong Disyembre 9, 1959.  Anak ng isang Kastila at ng isang taga-Panama, si Martin ay lumaki sa karukhaan at pagtitiis.

Dala ng hangaring maglingkod nang lubusan sa Panginoong Diyos at pangalagaan ang kaligtasan ng kanyang kaluluwa, pumasok si Martin bilang hermano (hindi pari, parang mayor domo) sa Orden ng mga paring Dominico sa Lima.  Iniatang sa kanya ang mabababang gawain sa kumbento katulad ng paglilinis, pagluluto, paglalaba at pag-aalaga sa mga may-sakit.  Sa pagtupad sa mga tungkuling ito, naipamalas niya ang kanyang kababaang loob at wagas na pag-ibig sa Diyos.  Lalong katangi-tangi ang kanyang pagmamahal sa Santisimo Sakramento at sa Mahal na Birhen.

Sa maraming himala na kanyang ginawa, nabibilang ang mga ito: pinagbawalan niyang sumira ng mga kagamitan sa kumbento ang mga daga; binuhay ang isang patay; pinahinto ang baha sa Lima na maaaring makapinsala nang malaki sa bayan.  Sinasabing kung magkaminsa’y nagtutungo siya sa ibang lupain nang hindi umaalis sa Lima (bilocation) tulad ng Tsina, Africa, Pransiya at Pilipinas.  Ang mga himalang ito ay hindi dahilan kundi bunga at tanda ng kanyang kabanalan.

Pumanaw si San Martin de Porres noong Nobyembre 3, 1639.

ARAL:

Sa kanya natin maiuukol ang mga katagang ito: “Nigra sum sed formosa” (Ako’y maitim ngunit maganda, kung kaya ako’y pinapasok ng Hari sa Kanyang silid).

“Magaling, mabuti at tapat na utusan  Yayamang nagin tapat ka sa kakaunting bagay, ipagkakatiwala ko sa iyo ang marami; pumasok ka sa kasayahan ng iyong panginoon.”(Mateo 25:23)

Source:

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House

Jones, T. H. (n.d.). St. Martin de Porres. In Saints.SPQN.com. Retrieved November 3, 2010, from http://saints.sqpn.com/saint-martin-de-porres/

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Tags: , , , ,

You can comment below, or link to this permanent URL from your own site.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: