Dedikasyon ng Basilica ni San Juan de Letran

Una sa Apat na Pangunahing Basilica ng Roma

Kilala rin bilang: Simbahan ng Kabanal-banalang Mananakop (Church of the Most Holy Saviour)

Araw ng Dedikasyon: November 9, 318

Sa araw na ito ay ipinagdiriwang ang pagtatalaga o pagbebendisyon ng malaking basilica sa Roma na nakalaan sa Kabanal-banalang Mananakop, ngunit lalong kilala sa pangalang San Juan de Letran.  Ipinatayo ito ni Emperador Constantino sa burol at ari-arian ng mga angkan ng Laterani, na pinamamahalaan ng mga monghe ni San Juan Bautista at San Juan Apostol.  Sa pachada ng simbahang ito ay nakasulat ang ganito: “Ina at Pinuno ng lahat ng simbahan sa Roma at sa daigdig.”  Ito ang simbahang lagging ginagamit ng Papa noong unang panahon nang wala pa ang basilica ni San Pedro.  Kung pinararangalang ang simbahang bato, ay lalo’t higit ang simbahang espiritwal n gating mga kaluluwa na kinatitigilan ng Espiritu Santo mula pa nang tayo ay binyagan.

ARAL:

Nagiging sundalo tayo ni Cristo sa Kumpil upang ipagtanggol ang mga simulain at aral ni Cristo.  Ipagsanggalang si Cristo sa pamamagitan ng ating malinis na pamumuhay at tumulong sa ikalalaganap ng kanyang Kaharian sa puso ng iba.

Source:

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Tags: , , , , , , , , , , ,

You can comment below, or link to this permanent URL from your own site.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: