San Leon Magno

Papa

Kilala rin bilang: Papa Leon I

Kapanganakan: circa 400

Kamatayan: 11 April 461

Sa walang patid na talaan ng mga Papa ay tatlo lamang ang may taguring “Magno” (dakila): sina Leon, Gregorio at Nicolas.  Anak ni Quintiano, isinilang si Leon sa Roma.  Bilang diakono, ginampanan niya ang maseselang tungkulin sa ilalim ng mga Papang sina Celestino I at Sixto III.  Siya ang humalili kay Sixto III noong 440.

Ang kalagayan ng daigdig noon ay kalunus-lunos dahil sa mga erehe at pulitiko.  Sa kanlurang Europa: ang mga barbarong Bandalo, Huno at Godo; sa Silangan: ang mga ereheng Manikeo, Nestoriano, Eutiquiano.  Sa madaluyong at mapanganib na dagat ng mga pangyayari pinatnubayan ni Leon ang “daong ni Pedro” upang makapaglakbay nang maluwalhati.  Kilalang-kilala sa kasaysayan ang pagpigil niya kay Haring Atila ng mga Huno upang huwag lusubin ng tinatawag na “hampas ng Diyos” ang banal na lunsod ng Roma.  Gayon din, sa kanyang tapang at pangaral, pinigil niya ang mga hukbo ni Henseriko ng mga Bandalo.

Bilang ama ng sangka-Kristiyanuhan at bikaryo ni Cristo sa lupa, binaka niyang walang humpay ang mga ereheng nagpapalaganap ng kamalian sa silanganan.  Nang mabasa ng mga obispo ang kanyang makasaysayang liham sa Kapulungan ng Chalcedon, 449, na nagtatanggol sa dalawang kalikasan ni Cristo, winika ng mga iyon: “Nangusap si Pedro sa bibig ni Leon!”  Ang panghihimasok ng Emperador sa Constantinopleay kanyang tinuligsa: “Pabayaan ninyo sa mga obispo ang kalayaang ipagtanggol ang nauukol sa Pananampalataya.  Walang kapangyarihan o lakas ang makapananaig sa kanya.  Ipagsanggalang ninyo ang Simbahan at pangalagaan ang kanyang kapayapaan upang ipagtanggol naman ni Cristo ang iyong kaharian.”

Si Dakilang Leon ay sumakabilang buhay noong 461 matapos ang dalawampung taong paglilingkod sa Diyos at sa Bayan.  Sumulat siya ng 96 na sermon at 173 na liham, at dahil sa mga ito ay ipinroklama siyang Doktor ng Simbahan noong 1574.

 

ARAL:

Ipinapayo ni San Leon Magno ang pagkakawanggawa na makatutulong nang malaki sa atin sa araw ng paghuhukom: gagantimpalaan ng Diyos ang nakakawanggawa at parurusahan Niya ang hindi gumagawa nito.  Ang pagkakawanggawa ay susi ng langit at dahilan ng ibang mga biyaya ng Diyos.


Source:

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House

 

 

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Tags: , , , , , , , , , , ,

You can comment below, or link to this permanent URL from your own site.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: