San Josafat

Obispo, Martir

Kilala rin bilang: unang santo mula sa Silangan

Kapanganakan: 1580

Kamatayan: 12 November 1623

Patron ng: Ukraine

Sina Focio at Miguel Cerulario ang naging dahilan ng pagkakatiwalag ng Silangang Europa sa kapangyarihan ng Roma, isang hidwaan na hanggang ngayon ay sinisikap pang lunasan ng mga Papa.  Isa sa mga unang masusugid na tagapagtaguyod ng kilusang ito ay si SAN JOSAFAT na isinilang sa pangalang Juan Kunsevich noong 1580 sa Vlademir, sakop ng Lithuania (na ngayon ay kilala na bilang Ukraine), sa kanluran ng Russia.  Ito ay mga panahon na ang Lithuania at Poland ay magkasama pa ng pamahalaan at ang kanilang mga mamamayan ay sumusunod sa Rito Rutheno (isang bahagi ng Iglesya Griyega).  Ang mga Ruteno ay nagbalik sa tunay na pananampalataya noong 1595 at kinilala ang Santo Papa.

Tinanggihan ni Josafat ang isang bakasan sa negosyo at isang alok ng kasal upang tumugon sa tawag ng Diyos.  Pumasok siya bilang monghe sa monasteryo ng Vilna sa edad na 20, kung saan niya kinuha ang pangalang Josafat.  Mula dito, siya’y nagpatuloy sa pagiging diakono at pari, at, ‘di nagtagal, sa pagiging obispo.  Bilang arsobispo ng Polotsk. sinikap niyang akayin ang kanyang bayan sa pagkilala sa kapangyarihan ng Santo Papa, at dahil dito’y muntik na siyang patayin ng mga kaaway.  Gumawa siya ng mga pagpapakasakit upang manumbalik sa Diyos ang mga makasalanan.  Walang takot siyang nagtungo sa mga lugar na piit ng kaguluhan at panganib, tulad ng Vitebsk, upang subukang ayusin ang mga ‘di pagkakaintindihan at magsilbing boses ng kapayapaan.  Sa bisa ng kanyang mga aral at ng kabantugan, tinagurian siyang “magnanakaw ng mga kaluluwa”.  Minsa’y nanalangin siya ng ganito sa lunsod ng Vitebsk: “Loobin nawa ng Panginoon na maihain ko ang aking buhay sa ikapagbubuklod ng ating bayan sa Roma at sa ikapagtatanggol ng kapangyarihan ng Papa, ang kahalili ni Cristo sa ibaba ng lupa.”  Ang panalanging ito’y natupad noong 1623 nang siya’y patayin ng ilang tampalasan sa pamamagitan ng pamalo at tabak.  Siya ang pintakasi upang manumbalik ang Iglesya Sismatika Griyega sa bakuran ni Cristo.

ARAL:

“Mayroon pa akong ibang mga tupa na hindi sa kawang ito, sila man ay dapat Kong akayin.  Diringgin nila ang Aking tinig, kaya’t magkakaroon ng iisang kawan at iisang pastol.”

– Juan 10:16

Sisikapin kong umanib sa isang kapisanan sa aking parokya upang makatulong sa pagpapalaganap ng mga aral ng Panginoon at sa pag-aakay sa mga ‘di Katoliko.


Source:

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

Jones, T. H. (n.d.). Saint Josaphat. In Saints.SPQN.com. Retrieved November 11, 2010, from http://saints.sqpn.com/saintj61.htm

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Tags: , , , , , , , , , , , , , , , ,

You can comment below, or link to this permanent URL from your own site.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: