San Andres Avelino

Pari

Kapanganakan: 1521

Kamatayan: 10 Nobyembre 1608

Araw ng Kapistahan: Nobyembre 14

Patron ng: lumalaban sa biglaang kamatayan o sa stroke

“Ang bibig na nagsisinungaling ay nakamamatay ng kaluluwa.”  Ang mga katagang ito ng Banal na Kasulatan ang siyang nagpabago ng buhay ni Andres at naging dahilan upang pagsisihan ang isang maliit na pagsisinungaling na binigkas sa kanyang pagkamanananggol.  Si SAN ANDRES AVELINO ay isinilang sa Castronuovo, malapit sa Naples, noong 1521, sa pangalang Lorenzo.  Lanceloto ang palayaw sa kanya ng kanyang ina.  Sapul pa sa kanyang pagkabata’y nahilig na siya sa pangangaral at pag-akit sa mga kaibigan sa landas ng kabanalan.  Naging masigasig siyang tagapagtaguyod ng mga simulain at alituntunin ng Iglesya Katolika noong naging kapelyan ng mga madre, bagay na naging sanhi upang siya’y saktan at pagtangkaang patayin.  Pinatawad niya ang mga lumapastngan sa kanya; ang lahat ay tiniis alang-alang kay Cristo.

Noong 1556, sumapi siya sa Orden ng mga Paring Teatino na tatag ni San Cayetano.  Malaki ang itinulong niya sa pag-unlad ng disiplina eklesiyastika.  Naging kapanahunan niya sina San Felipe Neri at San Carlos Borromeo.  Naglingkod siya sa mga maysakit nang magkapeste sa Milan noong taong 1576.  Nang maging paring Teatino, kanyang tinanggap ang pangalang Andres, pangalan ng apostol na namatay sa krus bilang tanda ng kanyang marubdob na hangaring magtiis alang-alang kay Cristong ipinako sa krus.  Noong 1608, habang pinasisimulan ang Santa Misa, inatake siya ng dati niyang sakit, at binawian ng buhay matapos mapahiran ng Santo Oleo, noong Nobyembre 10, 1608.  Siya’y pintakasi laban sa biglang kamatayan at apoplexy o stroke.

 

ARAL:

Kung saan nakahilig ang punungkahoy ay doon din mabubuwal.  Ang nagugumon sa kasalanan ay malamang na doon din mamamatay.  Hindi masama ang biglang kamatayan; ang masama’y ang bigla at hindi handang kamatayan.  Dumalangin tayo kay San Andress Avelino upang magkamit ng isang handang kamatayan.


Source:

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

Jones, T. H. (n.d.). Saint Josaphat. In Saints.SPQN.com. Retrieved November 11, 2010, from http://saints.sqpn.com/saintj61.htm

 

 

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Tags: , , , , , , , , , , ,

You can comment below, or link to this permanent URL from your own site.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: