Mga Pagbasa: 17 Nobyembre 2010 (Miyerkules)

 

Unang Pagbasa

Pagbasa sa aklat ng Apocalipsis   4: 1-11

 

Akong si Juan, nakita kong bumukas sa langit ang isang pintuan at ang tinig na aking narinig na nagsasalita sa akin na gaya ng pakakak  ay nagwika ng ganito:  “Pumanhik ka rito at ipakikita ko sa iyo kung ano ang mangyayari pagkatapos.

Kapagdaka ay suma-Dios ang aking diwa at lumitaw sa langit ang isang luklukan at may nakaupo roon.  Ang nakaupo, sa tingin, ay kamukha ng batong haspe at sardonise at ang bahag-hari ng nasa paligid ng luklukan ay katulad ng Esmeralda.

Sa paglibot ng luklukan ay may dalampu’t apat na luklukan, nakaupo rito ang dalawampu’t apat na matatanda, na nakadamit na puti, na may putong na ginto sa ulo.

Sa luklukan ay may lumalabas na mga kidlat, mga tinig at mga kulog, at sa harapan ay nagdiringas ang pitong ilawang apoy, na sila ang pitong espiritu ng Dios.  Sa harap ng luklukan ay waring may dagat na salamin na katulad ng Kristal.

Sa gitna ng luklukan at sa palibot nito ay may apat na kinapal na buhay na may mga mata sa harapan at sa likuran.  Ang unang kinapal na buhay ay kagaya ng leon, ang ikalawa ay kagaya ng bulo, ang ikatlo ay may anyong tao, at ang ikaapat ay katulad ng lumilipad na agila.

Ang apat na buhay na kinapal, na ang bawat isa ay may anim na pakpak, ay lipos ng mga mata sa labas at sa loob, at walang tigil ang kanilang pagsasabi araw at gabi ng: “Banal, banal, banal ang Panginoong Dios, ang makapangyayari sa lahat, na siya noong una, ngayon at paririto.”

At tuwing nagbibigay ng luwalhati at dangal at nagpapasalamat ang mga buhay na kinapal sa nakaupo sa luklukan na nabubuhay magpakailan man at magpasawalang hanggan, ang dalawampu’t apat na matatanda ay nagpapatirapa sa harap ng nakaupo sa luklukan at sumasamba sa nabubuhay magpakailan man at magpasawalang hanggan at naghahagis ng kanilang mga korona sa harap ng luklukan na ang sabi:  “Karapat-dapat ka, O aming Panginoon at Dios, na tumanggap ng luwalhati, dangal at lakas, sapagkat nilalang mo ang lahat ng bagay, at dahil sa kalooban mo ay nayari at nalikha ang mga ito.”

 

Salmo Responsorio

Salmo 150: 1-2. 3-4. 5-6

R.  Santo, Santo, Santong Panginoong Dios na makapangyarihan.

 

Ebanghelio

Lucas 19: 11-28

 

Ang Talinghaga Tungkol sa Salaping Ginto

 

Nagpatuloy ng pagsasalita si Jesus, at isinaysay ang isa pang talinghaga sa mga nakarinig ng una niyang pangungusap.  Ginawa niya ito sapagkat malapit na siya sa Jerusalem, at ang akala ng mga tao ay itatatag na ang kaharian ng Diyos.  Sabi niya: “May isang mahal na taong nagtungo sa malayong lupain upang gawing hari at magbalik pagkatapos niyon.  Bago siya umalis, tinawag niya ang sampu sa kanyang mga alipin.  Binigyan niya ang mga ito ng tig-iisang salaping ginto at sinabihan sila, ‘Ipangalakal ninyo iyan hanggang sa pagbabalik ko.’  Poot na poot naman sa kanya ang kanyang mga kababayan, kaya’t pagkaalis niya, nagsugo sila ng mga kinatawan upang sabihin sa kinauukulan: ‘Ayaw naming maging hari ang taong ito!’

“Ngunit ginawa ring hari ang taong iyon.  Umuwi siya pagkatapos, at ipinatawag ang mga aliping binigyan niya ng salaping ginto, upang malaman kung gaano ang tinubo ng bawat isa.  Lumapit sa kanya ang una at ang sabi, ‘Panginoon, ang salapi ninyong ginto ay nagtubo ng sampu.’  ‘Magaling,’ sagot niya.  ‘Mabuting alipin!  Yamang naging matapat ka sa kakaunting bagay, pamamahalain kita sa sampung bayan.’  Lumapit ang ikalawa at ang sabi, ‘Panginoon, ang inyong salaping ginto ay nagtubo ng lima.’  At sinabi niya sa kanya, ‘Mamamahala ka sa limang bayan.’  Lumapit ang isa pang alipin at nagsabi, ‘Panginoon, heto po ang inyong salaping ginto.  Binalot ko po sa panyo at itinago.  Natatakot po ako sa inyo, sapagkat napakahigpit ninyo; kinikuha ninyo ang hindi sa inyo, at inaani ang hindi ninyo inihasik.’  Sinagot siya ng kanyang panginoon, ‘Masamang alipin!’  Sa salita mong iyan kita hahatulan.  Alam mo palang ako’y mahigpit.  Sinabi mo, kinukuha ko ang hindi sa akin at inaani ko ang hindi ko inihasik.  Bakit hindi mo inilagay sa bangko ang aking salapi?  Pagbabalik ko, sana’y may tinubo ang puhunang ito.’  At sinabi niya sa mga naroroon, ‘Kunin ninyo sa kanya ang salaping ginto, at ibigay sa may sampu.’  [‘Panginoon, siya po’y mayroon nang sampung salaping ginto!’ wika nila.]  ‘Sinasabi ko sa inyo: ang bawat mayroon ay bibigyan po, ngunit ang wala, kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa.  Tungkol naman sa mga kaaway kong aayaw na ako’y maghari sa kanila – dalhin ninyo sito at patayin sa harapan ko!’”

Pagkasabi nito, nagpauna si Jesus patungong Jerusalem.

 

Source:

Magandang Balita Biblia (Tagalog Popular Version). Manila: Philippine Bible Society.

 

Paki-click po ito para sa pagninilay sa araw na ito

 

 

Explore posts in the same categories: Mga Pagbasa sa Araw-Araw

Tags: , , , , , , , , , ,

You can comment below, or link to this permanent URL from your own site.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: