San Odon

Monghe

Kapanganakan: circa 879

Kamatayan: 18 Nobyembre 942

Araw ng Kapistahan: Nobyembre 19

Patron: para sa ulan

Ang bayan ng Cluny, sa kanluran ng Mason, Pransiya ay pumapangalawa sa Roma sa karangalan noong siglo 12 dahil sa kanyang monasteryo o abadiya, na pinagbuhatan ng maraming matatalino at banal na tao, tulad nina Gregorio VII, Urbano II at Pascual II.  Ang pinakamaganda at malaking simbahan noo’y nasa Abadiya ng Bluny bago pa itinayo ang katedral ni San Pedro sa Roma.  Si SAN ODON ang pangalawang abad o puno ng monasteryong ito.

Isinalaysay na noong siya’y labing-anim na taong gulang ay nagdanas ng pananakit ng ulo sa loob ng tatlong taon.  Upang malunasan ang sakit na ito, nagtungo siya sa libingan ni San Martin ng Tours, at nang gumaling ay pumasok sa kumbento ng mga paring naglilingkod sa simbahan ni San Martin.  Nag-aral siya ng tungkol sa mga sulat ng unang mga manananggol ng pananampalatayang Katoliko, at sumulat siya ng tungkol sa buhay ni San Gregorio Magno.  Umalis siya sa lungsod ng Tours at naparoon sa monasteryo ng Cluny; dito sinundan sa pamumuno noong 927 ang bantog na abad na si San Berno.  Ang mga Papa at hari noong mga panahong iyon ay nagpapatulong sa kanya sa kanilang mga suliranin at kahirapan.  MInsan, pinagkasundo niya si Haring Hugo at si Konsul Alberico ng Italya.  Noong 942, inatake siya ng malaria sa Roma kaya napilitang umuwi sa Tours, malapit sa kanyang patrong si San Martin.  At dito inihandog sa kamay ng Diyos ang kanyang banal na kaluluwa noong Nobyembre 18, 942.

 

ARAL:

“Sapagkat kung paanong ang kanyang katawan ay patay kung walang kaluluwa, gayon din naman, patay ang pananampalataya na walang mga gawa.” (Snt. 2:26)  Ano ang mapapala ng ating pagiging Katoliko kung ang mga tungkulin nito’y hindi natin isinasagawa?  Ano ang kabuluhang malaman ang sining ng paglangoy kung tayo’y hindi marunong lumangoy?


Source:

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

 

 

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Tags: , , , , , , , , , ,

You can comment below, or link to this permanent URL from your own site.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: