San Andres Dung Lac at mga kasama

Pari, Martir

Kilala rin bilang: isa sa Mga Martir ng Vietnam

Kapanganakan: circa 1795

Kamatayan: 21 December 1839

Araw ng Kapistahan: Nobyembre 24

Pumasok ang Kristiyanismo sa Vietnam sa pamamagitan ng mga Portuges.  Heswita ang mga unang misyonero sa Da Nang noong 1615.  Naglingkod sila sa mga Katolikong hapon na lumipat sa Vietnam.

Ipinagbawal ng hari ng isa sa tatlong kaharian noon ng Vietnam ang pagpasok ng mga dayuhang misyonero, at inutusan niyang tumalikod sa pananampalataya ang mga Katolikong Vietnamese sa pamamagitan ng pagtapak sa krus.

Sa loob ng anim na dekada paglipas ng 1820, mga 100,000 hanggang 300,000 Katoliko ang piñata at pinahirapan nang husto.  Maraming mga dayuhang misyonero ang naging martir, kabilang na rito ang mga pari ng Parish Mission Society at mga Kastilang paring Dominico at tersiyaryo.

Muling nagkaroon ng matinding pag-uusig laban sa mga Kristiyano noong 1847 nang maghinala ang emperador na sinusuportahan ng mga dayuhang paring misyonero at mga Vietnamese na Kristiyano ang paghihimagsik ng isa sa kanyang mga anak.

Isa si SAN ANDRES DUNG LAC sa mga 117 martir na namatay sa Vietnam sa pagitan ng mga taong 1820 at 1862.

Ang mga huling naging martir ay labimpitong layko, at isa sa kanila ang siyam na taong gulang na batang pinatay noong 1862.  Nang taon ding iyon, nagkaroon ng kasunduan sa Pransiya na nagbibigay ng kalayaan sa mga Katoliko.  Gayunman, hindi nito napatigil ang mga pag-uusig.

Noong 1954, ang bilang ng mga Katoliko sa Hilagang bahagi ng Vietnam ay umabot sa isang milyon at kalahati, mga pitong porsiyento ng populasyon, ang 60 porsiyenyo ay mga Budhista.  Ang walang tigil na pag-uusig ay nagtulak sa 670,000 Katoliko na iwanan ang kanilang mga lupain, tahanan at ari-arian upang tumakas patungo sa Timog.  Noong 1964, may natitira pang 833,000 Katoliko sa Hilaga subalit marami ang nakulong.  Sa Timog, nakaranas ang mga Katoliko ng kauna-unahang kalayaang panrelihiyon.  Ang bilang nila ay patuloy na lumalaki dahil sa mga lumilikas mula sa Hilaga.

Noong panahon ng digmaan sa Vietnam, muling naghirap ang mga Katoliko sa Hilaga at muling lumikas patungong Timog.  Ngayon ang buong bansa ay nasa ilalim ng pamamahala ng rehimeng Komunista.

Kinilala ni Papa Juan Pablo II bilang mga santo ng Simbahan ang maraming martir na namatay sa Vietnam sa pagitan ng taong 1820 at 1862.

ARAL:

“Kaya nga hanapin muna ninyo ang kaharian ng Diyos at ang kanyang kabanalan, at ang lahat ng bagay na ito ay idaragdag sa inyo.” (Mt. 6:33)  Sikaping hanapin at ingatan ang mga nauukol sa Diyos bago ang lahat, at ang mga nauukol naman sa atin ay iingatan at ipagkakaloob Niya.  Hanapin ang sa Kanya, at hahanapin Niya ang sa atin.

Source:

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

Jones, T. H. (n.d.). Saint Anrê Tran An Dung. In Saints.SPQN.com. Retrieved November 23, 2010, from http://saints.sqpn.com/saintg40.htm

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Tags: , , , , , , , , , , ,

You can comment below, or link to this permanent URL from your own site.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: