San Eligio

Obispo

Kapanganakan: 588

Kamatayan: Disyembre 1, 660

Araw ng Kapistahan: Disyembre 1

Patron: ng mga alahero at panday-ginto

Si SAN ELIGIO (o ELOY) ay isinilang noong 588 sa maliit na bayan ng Chaptel, malapit sa Limoges, Pransiya, sa angkan ng isang manggagawa.  Bihasa sa paggawa ng mga hiyas at ginto, si Eligio ay inatasan ng ingat-yaman ng Haring Clotario na gumawa ng trono.  Humanga ang hari sa kakayahan at katapatan ng santo nang gumawa ng dalawang trono sa gamit na bigay sa kanya, kaya siya ay ginawang tagapamahala ng pagawaan ng pera ng hari at pagkaraan, konsehero sa korte.

Ang kayamanang ipinagkatiwala sa kanya ay ginamit sa pagtulong sa mahihirap, bilanggo at alipin.  Noong 641, napili si Eligio na maging obispo ng Noyon at Tournai at taglay ang tungkuling ito’y nilakbay niya ang mga karatig-bansa, tulad ng Belgium at Holland, upang ipangaral ang tunay na pananampalataya.  Ipinayo niya ang malimit na pagkukrus, pagdarasal ng “Ama Namin” at pakikinabang upang sugpuin ang mga pamahiin ng mga tao.  Siya ay pintakasi ng mga alahero at panday-ginto.

ARAL:

“Ang korona ma’t setro ay walang halaga kung hindi napapalamutian ng mahahalagang hiyas ng kamahalang-asal, pagtunton sa matuwid at kagandahan ng loob.”

– P. Modesto de Castro


Source:

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Tags: , , , , , , , , , , , ,

You can comment below, or link to this permanent URL from your own site.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: