Santa Bibiana

Martir

Kapanganakan: ika-4 na siglo

Kamatayan: circa 361

Araw ng Kapistahan: Disyembre 2

Patron: para sa lunas sa sakit ng ulo at epilepsy, patron ng mga dalagang layko

 

Ang mga magulang ni SANTA BIBIANA – sina San Flaviano at Dafrosa, kapwa mula sa Acquapendente – ay kapwa namatay bilang mga martir dahil sa kanilang pananampalataya.  Ang kanyang ama ay sinunog sa noo tanda ng pagiging alipin at namatay matapos ang ilang araw dahil sa sugat na ito; ang ina naman niya’y pinugutan ng ulo.  Ito ay nangyari noong panahon ni Emperador Julian, ang Apostata.  Nang maulila, si Bibiana ay pilit na pinasasamba sa mga idolo ng Imperyo Romano at hinikayat siya ng isang nagngangalang Rufina upang tumiwalag sa Kristiyanismo at mabuhay sa pagkakasala sa pamamagitan ng prostitusyon.  Nang ‘di sumunod ang santa, siya ay pinakulong sa isang lugar para sa mga baliw at ipinahampas ng latigong may matutulis na bakal hanggang sa malagutan ng hininga.  Ang katawan niya ay tinapon sa mga aso upang ipakain ngunit wala ni isa sa mga ito ang gumalaw sa kanya, kaya’t makalipas ang dalawang araw, may isang paring patagong kinuha ang kanyang katawan upang mailibing.  Si San Simplicio (Papa) ay nagpatayo ng isang simbahan sa Roma na nakalaan sa santang ito.

 

ARAL:

“Ang mga kahirapan ng buhay na ito ay hindi kapantay ng kaluwalhatiang darating na ipahahayag sa atin.”

– Romano 8:18

Ang ilan ay kusang-loob na ‘di kumakain upang gumanda at lumakas ang kanilang katawan; tayo’y gumawa ng pagpapakasakit sa panahon ng Adbiyento upang gumanda ang ating kaluluwa na sisilangan ni Jesus sa araw ng Pasko.


Source:

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

Jones, T. H. (n.d.). Saint Catherine of Alexandria. In Saints.SPQN.com. Retrieved December 1, 2010, from http://saints.sqpn.com/saint-bibiana/

 

 

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , , ,

You can comment below, or link to this permanent URL from your own site.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: