San Francisco Xavier

Pari, Misyonero

Kilala rin bilang: unang misyonerong Heswita

Kapanganakan: 7 April 1506

Kamatayan: 2 December 1552

Araw ng Kapistahan: Disyembre 3

Patron: ng lahat ng dayuhang misyon

 

Sa isang kubo sa liblib na pulo ng Shang-chwan, China, namatay si SAN FRANCISCO XAVIER noong Disyembre 3, 1552.

Francisco de Jassu y Azpilcueta – sundalo, propesor, misyonero, santo – iyan ang pangalan ng misyonerong isinilang sa kastilyo ng Xavier sa Navarra, Espanya noong Abril 7, 1506.  Nang makilala siya ng tagapagtatag ng mga Paring Heswita, si San Ignacio ng Loyola, ito ang lagging sinasabi sa kanya ng huli: “Francisco, Francisco, ano nga ang mapapala ng tao makamtan man niya ang buong sandaigdigan kung mapapahamak naman ang kanyang kaluluwa?”  Tumalikod si Francisco sa kanyang tutunguhing karangalan sa Paris at sumama sa unang pitong Heswita.  Noong 1534, inilaan ni Francisco ang kanyang buhay sa paglilingkod sa Panginoong Diyos at sa pagliligtas ng mga kaluluwa.  Sinasabing mula pa kay San Pablo ay walang kaparis si San Francisco sa lawak ng kanyang nilakbay at sa dami ng mga kaluluwang inakit sa Panginoong Diyos na humigit-kumulang ay may isang milyon.

Mula nang dumating si Francisco sa Goa, India, noong Mayo 6, 1542 buhat sa Lisbon, Portugal ay walang kapagurang nilakbay niya ang India, Malacca, Moluccas, at Japan sa pagtuturo ng dasal, sa pagtatayo ng mga paaralan at simbahan, at sa pagkakawanggawa.  Siya ay nagtungo sa Japan noong ika-15 ng Agosto, 1549, dinalaw ang Kagoshima, Hirado, Kyoto, at Yamaguchi.  Maraming himala ang ginawa ng santo.  Ang kanyang bangkay ay ‘di nabubulok hanggang ngayon.

Ang mabisang pagsisiyam na Nobena de Grasya ay ipinahayag ng santo kay P. Mastrili noong 1633 (Marso 4 – 12).

 

ARAL:

“O anong laking kamatayan ang mabuhay nang malayo kay Cristo, at anong laking kasiyahan naman ang mabuhay na sinusupil araw-araw ang ating sariling kalooban na walang ibang hinahangad kundi ang mga kapakanan ni Cristo.”

– San Francisco Xavier


Source:

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

 

 

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Tags: , , , , , , , , , , , , , , ,

You can comment below, or link to this permanent URL from your own site.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: