San Sabas

Monghe

Kamatayan: 532

Araw ng Kapistahan: Disyembre 5

Isinilang sa Cappadocia (na ngayo’y kilala na bilang Turkey) nang ikalimang dantaon, si SAN SABAS ay nagtungo sa Jerusalem pagkaraan ng gulo ng kanyang angkan tungkol sa mana na pinag-awayan ng mga kamag-anak.  Nabuhay siya sa monasteryo ni San Emilio sa Judea na siyang pinuno ng maraming mga senobita na nabubuhay nang nag-iisa sa pananalangin at pagpapakasakit.  Nakasama niya ang isang leon sa gubat.  Makailang nagtungo siya sa Constantinople upang ipagtanggol ang kalayaan at karapatan ng Santa Iglesya laban sa mga erehe at upang ipagsanggalang ang mga obispo sa Palestina, sa kahilingan ng 10,000 senobita o monghe sa panahon ni Emperador Anastacio I.  Namatay si San Sabas noong 532 sa gulang na 95 taon.

ARAL:

“Sa dami ng ating mga pagpapakasakit alang-alang kay Cristo at sa kapwa nang dahil sa Kanya – diyan makikilala ang kabuuan ng ating pag-ibig sa Diyos.”

– Tihamer Toth

Wika ng Pangioon: “Ang may ibig sumunod sa Akin ay dapat tumalikod sa sarili, pasanin ang kanyang krus araw-araw…”

– Lucas 9:23


Source:

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Tags: , , , , , , , ,

You can comment below, or link to this permanent URL from your own site.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: