San Nicolas ng Myra

Obispo

Kilala rin bilang: si Santa Claus

Kamatayan: circa 364

Araw ng Kapistahan: Disyembre 6

Patron: ng mga bilanggo; ng mga naglalakbay sa dagat; ng mga panadero

Sa santong ito ay nagsimula ang katagang Santa Claus.  Sumilang sa katimugang Asia Minor sa bayan ng Patara, Lycia, si SAN NICOLAS ay naging obispo ng bayan ng Myra.  Ang kayamanang minana niya sa mga magulang ay kanyang ginamit sa pagtulong sa maralita.  Nang mabalitaan niyang ang isang amang mahirap ay may masamang tangka sa kanyang tatlong anak na abbae upang magkaroon lamang ng magagamit sa kanilang pag-aasawa, lihim na tinulungan ng santo ang nasabing ama.  Sa loob ng tatlong gabi naghagis siya ng isang supot na salapi sa bintana nasabing pamilya.  Sa panaginip, nagpakita siya kay Emperador Constantino at kay Ablavio upang iligtas ang tatlong opisyal sa bilangguan.  Sa kanyang malasakit at panalangin, ang lunsod ng Myra ay ‘di nasagian ng erehiya ng Aryanismo.  Dumalo siya sa Kapulungan ng Nicea, pinahirapan sa panahon ni Diocleciano at lumaya sa panunungkulan ni Constantino.  Sumalangit sa Myra ang banal na obispo noong ikaapat na dantaon.

Ang pamimintuho sa santong ito ay lumaganap sa Greece, Russia, Germany at Inglatera at kung dumarating ang kanyang kaarawan ay nakaugalian ang pagbibigay ng mga aginaldo sa mga bata.  Sa Amerika sinimulan ng mga Prostanteng Holandes ang pagdiriwang sa Santa Claus.  Sa Kanlurang Europa, siya’y pintakasi ng mga bilanggo; sa Silanganan, ng mga naglalakbay sa dagat.

Noong 1087, dinala ng mga Italyano ang mga relikya ng santo sa bayan ng Bari nang masakop ng mga Turko ang Myra.  Marami ang himalang nangyari sa libingan ng santo.

ARAL:

“Kaya nga sa pamamagitan Niya ay lagi nating ialay sa Diyos ang hain ng pagpupuri, o kaya ang parangal ng mga labing naghahayag ng Kanyang pangalan.  At huwag ninyong kalilimutan ang pagkakawanggawa at pag-aabuloy, sapagkat ang ganitong mga hain ay nakalulugod sa Diyos.”

– Hebreo 13:15-17

Maawa tayo sa kapwa tulad ni San Nicola sat tayo’y kaaawaan din ng Diyos.


Source:

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Tags: , , , , , , , , , , , , , , ,

You can comment below, or link to this permanent URL from your own site.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: