San Juan Diego

Layko

Kilala rin bilang: unang katutubong santo ng kontinente ng Amerika

Kapanganakan: 1474

Kamatayan: 30 Mayo 1548

Araw ng Kapistahan: Disyembre 9

 

Si JUAN DIEGO ay ang kauna-unahang katutubong santo ng kontinente ng Amerika.  Ipinanganak siya noong 1474 sa Cuautlitlan, na ngayon ay bahagi ng siyudad ng Mexico.  Pinangalanan siyang “Cuauhtlatoatzin” (na ang ibig sabihin ay “nagsasalitang agila”).  Katangi-tanging miyembro si Juan Diego ng mga mamamayang Chimeca, isang maunlad na pangkat na naninirahan sa Lambak ng Anahuac.

Hindi lang simple at karaniwang magbubukid si Juan Diego; katunayan, siya ay pamangkin ni Netzahualcoyotl, ang prinsipe ng Texcoco, ang susunod na pinakamakapangyarihan sa emperor ng Aztec sa bahaging ito ng Karagatang Atlantiko.

Sa gulang na limampu, bininyagan si Juan Diego ni Padre Peter de Gand, isang paring Pransiskano.  Noong Disyembre 9, 1531, habang papunta si Juan Diego sa simbahan upang dumalo sa pang-umagang Misa, nagpakita sa kanya ang Mahal na Ina sa burol ng Tepeyac, sa labas ng bayan ng Mexico.    Hiniling niyang pumunta si Juan Diego sa obispo upang sabihin na magpatayo ito ng isang simbahan sa burol na iyon upang parangalan ang Mahal na Ina, na siyang nangakong magbibigay ng biyaya sa mga taong dudulog sa kanya.  Nang marinig ito ng obispo, hindi siya naniwala agad.  Humingi siya kay Juan Diego ng isang tanda upang patunayan na totoo nga and pangitain.  Noong Disyembre 12, bagama’t panahon ng taglamig, inutusan ng Mahal na Birhen si Juan Diego na umakyat sa burol upang mamitas ng mga rosas.  Sumunod si Juan Diego at ibinigay ang mga rosas sa Mahal na Birhen, na siya namang nag-ayos ng mga ito sa tilma (isang balabal) ni Juan Diego.  Muling nagtungo si Juan Diego sa obispo, at nang iladlad niya ang kanyang tima, nabuhos ang mga rosas at buong pagkamanghang nakita ng obispo ang larawang ng Mahal na Birhen na nakaukit sa tilma ni Juan Diego.

Sa pahintulot ng obispo, namuhay siya bilang ermitanyo, malapit sa simbahang itinatag para paglagakan ng banal na imahen ng Mahal na Birhen ng Guadalupe.  Dito pinangalagaan niya ang simbahan at ang mga unang deboto na nagtungo roon upang manalangin sa Mahal na Ina ni Jesus.

Namatay si Juan Diego noong 1548 at inilibing sa simbahang iyon ng Mahal na Birhen ng Guadalupe.

Tinanghal siyang santo noong Hulyo 31, 2002 sa Misang pinangunahan ni Papa Juan Pablo II sa basilica ng Mahal na Ina ng Guadalupe sa Mexico.

 

Source:

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

 

 

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Tags: , , , , , , , , , ,

You can comment below, or link to this permanent URL from your own site.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: