Santa Eulalia ng Merida

Birhen, Martir

Kapanganakan: circa 290

Kamatayan: circa 304

Araw ng Kapistahan: Disyembre 10

Sa ginintuang kasaysayan ng mga santo sa Espanya nabibilang ang dalagitang si EULALIA, isa sa mga lalong kilalang birhen at martir sa nasabing bansa.  Kahit na lalabindalawang taon pa lamang, hinangad niyang ihandog ang sariling buhay alang-alang kay Cristo tulad ng ibang mga Kristiyano noong mga panahong iyon, kung kaya sa malabis na pagmamahal sa kanya ng kanyang mga magulang ay dinala siya sa isang malayong bayan.  Subalit kinabukasa’y nagmadaling lumisan ang santa at nagtungo sa Merida upang magprisinta bilang isang Kristiyana kay Hukom Daciano.

Hinimok siya ng hukom upang tumiwalag sa pananampalataya ng mga Kristiyano at mag-alay ng insenso sa mga idolo ayon sa kautusan ng Emperador Diocleciano.  Pinangakuan siya ng kalayaan kung susunod siya.  Ngunit pinagtawanan lamang ni Eulalia ang mga pangako ng hukom at inihagis ang mga idolo.  Sa pagkagalit ng hukom, ipinahuli si Eulalia, pinahirapan, itinali sa isang punungkahoy at pagkaraan ay sinunog.  Sa kanyang bibig ay may lumipad na isang kalapating maputi.  Namatay siya sa Merida noon 304.

 

Source:

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

 

 

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Tags: , , , , , , , , ,

You can comment below, or link to this permanent URL from your own site.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: