Pagninilay para sa Simbang Gabi: Disyembre 21
Magandang umaga po!
Tunay nga namang Pasko na.
Malinis at nakahanda na ang bahay para sa mga bisitang darating. Nakahanda na ang menu ng mga ihahandang pagkain para sa noche buena. Nakabalot na rin ang mga regalo para sa ating mga kapamilya, kamag-anak, kaibigan at ka-ibigan.
Tunay nga namang Pasko na.
Ngunit sa dami ng ating iniisip sa ating paghahanda, napakadaling malimutan ang tunay na diwa ng Pasko sa ating pagkaligaw sa konsumerismong pananaw. At paminsan-minsan nga naman ay kailangan nating mapaalalahanan na ang pinakadahilan ng Pasko ay ang kapanganakan ni Jesus; ang pinakapuso ng Pasko ay ang belen; at ang tunay na diwa ng Pasko ay pagdiriwang ng buhay at ng pamilya.
Tayo na’t makinig sa mensahe ng Diyos para sa atin sa araw na ito.
Paskong Pinoy: Buhay ang Pananampalataya, Tumatalima sa Kalooban ng Diyos
- Paki-click po upang marinig ang pagninilay ng pari
Para sa: 21 Disyembre 2010
Tema: Paskong Pinoy — Buhay ang Pananampalataya, Tumatalima sa Kalooban ng Diyos
Tagapagsalita: Rev. Fr. Lino Nicasio
Tags: catholic, christian, december 21, disyembre 21, misa de gallo, pagninilay, paskong pinoy, reflection, roman catholic, simbang gabi, tagalog, tv maria
You can comment below, or link to this permanent URL from your own site.
Leave a Reply