Santa Elizabeth Ann Seton

Layko

Kilala rin bilang: unang santa ng Estados Unidos; tagapagtatag ng Sisters of Charity

Kapanganakan: 28 Agosto 1774

Kamatayan: 4 Enero 1821

Araw ng Kapistahan: 4 Enero

 

Noong ika-4 ng Enero 1821 ay namatay si Elizabeth Ann Bayley Seton, ang unang santa ng Estados Unidos ng Amerika, tagapagtatag ng kongregasyon ng Sisters of Charity.  Anak ng isang tanyag na mediko, si Elizabeth ay isinilang sa New York, Estados Unidos noong Agosto 28, 1774, sa isang angkang marangal at mayaman.  Ikinasal siya kay William Seton nang taong 1794 ayon sa Protestante Episcopaliano, at sila ay nagkaroon ng limang anak – tatlong babae at dalawang lalaki.

Ngunit ang kanyang marangyang buhay sa New York ay hindi nagtagal.  Sinapit niya ang isang mahirap na kalagayan dahil sa pagkamatay ng kanyang biyenan.  Ang ama naman niyang mediko ay namatay sa isang epidemya.  Samantala, ang kabuhayan ng kanyang asawa ay bumagsak, at di rin nagtagal ay nasawi ito sa Italya dahil sa tuberculosis.  Iniwan niyang naghihikahos na biyuda si Elizabeth na ang mga anak ay maliliit pa.

Sa kanyang pagtigil sa Italya, nakita niya ang buhay ng mga Katoliko, ang kanilang mga aral at simulain, na siyang nagganyak sa kanya upang maging Katoliko sa ilalim ng pagmamalasakit ng isang kaibigan, si Antonio Filicci.  Nabinyagan siya nang taong 1805 sa kabila ng pagtutol ng mga kaibigan at kamag-anak.

Dala ng kanyang pagmamahal sa mga dukha, mga kabataan, at kapus-palad, itinatag ni Mother Seton ang kongregasyon ng Sisters of Charity sa Emmitsburg, Maryland noong 1809, na ang pangunahing layunin ay bigyan ng pagtuturong Kristiyano ang mga kabataan ng Amerika.  Isa sa mga naitatag niyang paaralan ay isang Katolikong paaralan para sa mga babae sa Baltimore na siyang nagsimula ng sistemang parokyal na paaralan sa Amerika.

Ang huli niyang mga salita ay ito: “Ang kataas-taasan, kaibig-ibig at makatarungang kalooban ng Diyos ay tupdin, purihin at parangalan magpasawalang hanggan.”

 

ARAL:

Kung tayo ay may sakit, nanlulupaypay, puno ng mga kabiguan, nabibigatan ng kasalanan at kalungkutan, buong giliw nating ilagay ang lahat sa paanan ni Jesus sa Santisimo.  Mayroon bang ibang kaligayahang matutulad dito?  Wala akong ibang hinahangad kundi tahakin ang daang kalugud-lugod sa aking Diyos – ano man ang daang iyon.

– Mother Seton


Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

Jones, T. H. (n.d.). Saint Elizabeth Ann Seton. In Saints.SPQN.com. Retrieved January 3, 2011, from http://saints.sqpn.com/saint-elizabeth-ann-seton/

 

 

 

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Tags: , , , , , , , , , , , , , ,

You can comment below, or link to this permanent URL from your own site.

One Comment on “Santa Elizabeth Ann Seton”

  1. ENERO « Says:

    […] 4       Santa Elizabeth Ann Seton […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: