San Guillermo ng Bourges

Monghe

Kilala rin bilang: San Guillermo ang Kumpesor

Kapanganakan: ika-12 siglo

Kamatayan: 10 Enero 1209

Araw ng Kapistahan: 10 Enero

 

Si San Guillermo ay anak ng maharlikang angkang taga-Nevers, Pransiya.  Lumaki siya sa pagkalinga ng isang ermitanyong nagngangalang Pedro na kamag-anak ng kanyang ina.  Ang mabubuting payo ng kanyang guro ay nakapag-udyok sa kanyang maging pari upang lubusang paglingkuran ang Diyos.  Iniwan niya ang kanyang tungkulin sa Soissons at Paris upang mabuhay nang tahimik at malayo sa ingay at gulo ng daigdig.  Katangi-tangi ang pagdedebosyon niya sa Santisimo Sakramento sa Altar; maraming oras ang ginugol niya sa paanan ng Altar.  Noong taong 1200, napili siyang maging obispo sa Bourges na kanyang pinaglingkuran nang buong katapatan hanggang abutin ng kamatayan noong 1209 samantalang nananalangin at naghahanda para sa isang misyon sa mga Albigenses.

 

ARAL:

Sa malimit na pakikinabang at pakikinig sa Santa Misa ay makakatanggap tayo ng maraming biyaya upang labanan ang ating sariling kasamaan at maging malinis at kalugud-lugod sa mata ng Diyos.


Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

 

 

 

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Tags: , , , , , , , , , , , , , , , ,

You can comment below, or link to this permanent URL from your own site.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: