San Teodosio, Ang Senobita

Monghe

Kilala rin bilang: San Teodosio ang Senobiarko (Cenobiarch)

Kapanganakan: c. 423

Kamatayan: c. 529

Araw ng Kapistahan: 11 Enero

 

Noong unang panahon marami ang mga lalaking nagtungo sa ilang upang mabuhay nang mag-isa sa gawang pananalangin at pagpapasakit, malayo sa lahat ng kinapal at malapit sa Maykapal – sila ang tinatawag na ermitanyo.  May isang uri ng mga ermitanyo na bagama’t nabubuhay nang ma-isa ay may mga kinikilalang isang pinuno – ito ang mga senobita.

Si San Teodosio (iba kay San Teodosio ng Antioch) ay isinilang sa Garissus, Cappadocia noong 423.  Nilisan niya ang kanyang bayan at nagtungo sa Jerusalem upang pamahalaan ang isang simbahang nakalaan sa Mahal na Birhen sa pagitan ng Jerusalem at Belen at pagkatapos namuhay nang parang ermitanyo sa isang yungib.  Nang dumami ang mga tagasunod niya, nagtatag siya ng tatlong simbahan para sa tatlong pangkat na ermitanyo: Griyego, Armenyo, at Arabe.  Lagi niyang ipinagugunita sa kanila na ang alaala ng kamatayan ay mabisang paraan upang huwag magkasala; nagpahukay siya ng isang libingan sa gitna ng kanilang monsateryo upang lagging maalaala ang kamatayan.  Sinasabi ng sumulat ng talambuhay ng santo na hindi siya kumain ng tinapay sa loob ng tatlumpung taon – ang kinain lamang niya nang mga panahong iyon ay kauntang gulay at bungang-kahoy.

Sa kabila ng kanyang buhay pananalangin at pagmumuni-muni, hindi niya kinaligtaan ang pagsasanggalang sa Pananampalataya laban sa mga ereheng monopisita.  Dahil dito, pinalayas at pinarusahan siya ni Emperador Anastacio ng Constantinople.  Namatay siya noong 529 sa gulang na sandaa’t limang taon.

 

ARAL:

“Pumasok kayo,”wika ni Cristo, “sa makipot na pintuan, sapagkat maluwang ang pintuan at malapad ang daang patungo sa kapahamakan, at marami ang doo’y nagsisipasok.  O anong kipot ng pintuan at anong kitid ng daan patungo sa buhay, at totoong kakaunti ang nakakatagpo nito.”

– Mateo 7:13-14


Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

 

 

 

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Tags: , , , , , , , , , , , , , ,

You can comment below, or link to this permanent URL from your own site.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: