San Benito Biscop

Monghe

Kapanganakan: c. 628

Kamatayan: 12 Enero 690

Araw ng Kapistahan: 12 Enero

 

Ang paglaganap ng pananampalataya sa bansang Inglatera noong unang panahon ay bunga ng kasipagan at kabanalan ng mga mongheng Benedictino tulad nina San Agustin, San Cutberto, San Wilfrido at San Benito Biscop.  Ang mga kumbento at paaralang itinatag nila ay naging luklukan ng kabihasnan at kabanalan.

Anak ng isang mayamang angkang taga-Northumbria, Hilagang Ingaletra, si Biscop Baducing (628-690) ay nag-aral ng tungkol sa Pananampalataya sa Roma at sa iba’t ibang lungsod ng Europa.  Sa Lerins ay tumubo sa kanyang isipan ang banal ng hangaring maging alagad ng Diyos, at sa monasteryo ng mga Benedictino sa Lerins, pumasok siyang monghe.  Mula noon ang pangalan niya’y naging Benito o Benedicto Biscop.  Nang magbalik siya sa Inglatera, itinatag niya ang dakilang monasteryo sa Wearmouth at Jarrow.  Sinasabi na malimit siyang maglakbay sa Roma upang humanap ng magagandang larawan ng mga Santo at ng Panginoon at ng mga matatandang aklat na tinatawag na Santos Padres.  Kanyang dinala sa Inglatera ang magagaling na mangagawa sa Europa upang gumawa ng magagandang simbahan.  Isa sa mga naging disipulo niya ang bantog na si San Beda.  Sa huling tatlong taon ng kanyang buhay, naging paralitiko si San Benito, bagay na tiniis niya nang buong pagsang-ayon sa Mahal na Kalooban ng Diyos.

 

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

 

 

 

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Tags: , , , , , , , , , , , , ,

You can comment below, or link to this permanent URL from your own site.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: