San Leandro ng Seville

Obispo

Kapanganakan: circa 534

Kamatayan: 27 Pebrero 596

Araw ng Kapistahan: 26 Pebrero

 

Ito ang kasaysayang kinasangkutan ng mabunying Leandro: noo’y naghahari sa Espanya si Haring Leovigildo, ang haring Aryano ng mga Visigodo.  Isang masugid na tagasunod ng Aryanismo (tutol sa pagka-Diyos ni Cristo), inusig ni Haring Leogivildo ang mga kalaban, kabilang sa mga ito’y ang kanyang anak na si San Hermenegildo at si San Leandro, obispo ng Seville.  Subalit nang mamatay si Leogivildo, nanumbalik sa Espanya ang kaisahan ng pananampalataya, napawi ang erehiyang Aryanismo.  Ito’y naganap sa pangangasiwa ni San Leandro at sa tulong ni Recaredo na anak ni Leogivildo noong ito ay maghari.

Si San Leandro ay galing sa isang angkang taga-Cartagena; siya’y kapatid nina San Isidro ng Seville, San Fulgencio ng Ecija at Santa Florentina ng Cartagena.  Ang kabanalan at kagitingan ng santong ito’y mababakas sa kanyang mga sulat at sa bunga ng kanyang mga halimbawa at aral na dili’t iba ang mga kaluluwang nakarating sa rurok ng kabanalan nang dahil sa kanyang pagtulong.  Malaki ang kanyang ginawa upang magtagumpay ang ikatlong Kapulungan ng Toledo noong Mayo 4, 589 sa ikapagkakaisa at ikararangal ng pananampalatayang Katoliko laban sa Aryanismo.  Gayon na lamang ang kanyang pagmamalasakit sa mga bagay na nauukol sa Diyos at sa Santa Iglesya.  Ang lahat ng nasa paligid niya ay inakit sa landas ng kabanalan: ang kanyang tatlong kapatid at si Haring Hermenegildo ay pawing naging mga santo nang dahil sa kanya.  Nahimlay sa biyaya ng Panginoon si San Leandro noong Pebrero 27, 596.

 

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

Jones, T. H. (n.d.). Saint Leander of Seville. In Saints.SPQN.com. Retrieved February 25, 2011, from http://saints.sqpn.com/saint-leander-of-seville/

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Tags: , , , , , , , , , , , , , , , ,

You can comment below, or link to this permanent URL from your own site.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: