San Gabriel de la Virgen Dolorosa

Diakono

Kapanganakan: 1 Marso 1838

Kamatayan: 27 Pebrero 1862

Araw ng Kapistahan: 27 Pebrero

Pintakasi: ng mga mag-aaral at ng kabataan

 

Si Francisco Possenti ay isinilang sa Italya nang taong 1838, isa sa labintatlong magkakapatid.  Naging masama ang kanyang pasimula: nahilig sa mga sayawan, sine at mga kasayahan sa mundo.  Bago natapos sa pag-aaral, nagkasakit siya nang malubha.  Nangako na kung gagaling siya ay papasok siya sa pagkapari.  Nang siya ay labimpitong taong gulang, pumasok siya sa orden ng mga paring Passionista at tinaglay ang pangalang Brother Gabriel ng Birhen Dolorosa.  Gumawa siya ng maraming pagpepenetensiya o pagpapakasakit upang bayaran ang kanyang mga nakaraang kasalanan at makiramay sa mga hirap at sakit ng Panginoon at ng Mahal na Birhen ng Pitong Hapis.  Winika ng kanyang director espirituwal: “Kung ibig mong magtali ng mga tinik na bakal sa iyong baywang, ang mabuti ay itali ang iyong kalooban sa kalooban ng Diyos.”

Sa loob ng apat na taon ay nagpamalas siya ng pambihirang pagtalima sa mga pinuno, kababaang-loob at diwa ng pagtitiis.  Bago siya naordenahang pari, siya’y nagkasakit sa baga, at namatay noong Pebrero 27, 1862, sa gulang na 24 taon.  Maraming milagro ang inuugnay sa kanyang matapos ang kanyang kamatayan – isa na dito ay ang pagpapagaling kay Santa Gemma Galgani nang siya ay nanalangin sa santong ito.

 

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

Jones, T. H. (n.d.). Saint Gabriel of Our Lady of Sorrows. In Saints.SPQN.com. Retrieved February 25, 2011, from http://saints.sqpn.com/saint-gabriel-of-our-lady-of-sorrows/

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Tags: , , , , , , , , , , , , , , , ,

You can comment below, or link to this permanent URL from your own site.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: