Santa Matilde

Reyna, Ina

Kilala rin bilang: Santa Maud

Kamatayan: 968

Araw ng Kapistahan: 14 Marso

 

Anak ng isang maharlikang angkan na taga-Wesphalia, Germany, si Santa Matilde ay isinilang noong 895, at mula pa sa kanyang kamusmusan ay inihabilin na ng kanyang mga magulang sa isang kumbento o abadiya na pinamamahalaan ng isang kamag-anak.  Dito lumaki si Matilde at natutong sumulat at bumasa at kumilala sa Diyos.  Nang siya’y may katamtamang gulang na, napangasawa niya si Enrique (Henry), ang duke ng Saxony, na di nagtagal ay hinirang na hari ng Germany.  Pinagpala ng Diyos ng limang anak ang kanilang banal at ulirang pagsasama.  Tatlo sa mga anak nila ay sina Oton (Otho) ang Dakila, emperador ng Germany; si Enrique (Henry), duke ng Bavaria; at si San Bruno (Saint Brunn), arsobispo ng Cologne.

Katangi-tangi ang kabanalang ipinamalas ni Santa Matilde: nabuhay nang mababang-loob sa gitna ng karangalan; nakitungong parang isang ina sa nasasakupan.  Ang kanyang pagkakawanggawa sa mga maysakit at mahihirap ay larawan ng kanyang pag-ibig sa Diyos at pagmamalasakit sa kapakanan ng relihiyon.  Nagtatag din siya ng mga ospital, simbahan at monasteryo.  Sa kanyang panunungkulan, sinikap niyang mapalaganap sa kanyang kaharian ang pag-ibig, katarungan at ang batas ng Diyos.

Nang mamatay ang kanyang asawa at usigin siya ng dalawang nakatatanda niyang anak, itinakwil niya ang lahat ng kapangyarihan at kayamanan, at nagtungo siya sa kumbento sa Nordhausen upang doo’y ipagpatuloy ang gawang pagpapakabanal sa sarili at pagsisisi ng kanyang mga kasalanan.  Noong 968, sumakabilang-buhay ang nagsisising Santa Matilde sa Quedlinburg, matapos tanggapin ang hiling sakramento ng Santa Iglesiya.

 

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

n.a.  (2008). Saint Maud. In Catholic Saints. Retrieved March 12, 2011, from http://www.catholic-saints.info/roman-catholic-saints-m-r/saint-maud.htm

 

 


Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Tags: , , , , , , , , , , , , , , ,

You can comment below, or link to this permanent URL from your own site.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: