Santa Luisa de Marillac

Relihiyosa, Ina

Kapanganakan: 15 Agosto 1591

Kamatayan: 15 Marso 1660

Araw ng Kapistahan: 15 Marso

Pintakasi: ng mga social workers


Isinilang sa Paris noong Agosto 15, 1591, sa angkan nina Luis Marillac at Margarita Le Camus.  Si Luisa de Marillac ay maagang naulila sa ina.  Ninais niyang maging madre subalit pinayuhan siya ng kanyang padre kompesor na mag-asawa; napangasawa niya si Antonio Le Gras noong 1613.  Sa loob ng labintatlong taon ng pagsasama nila ay buong pag-ibig at pagtitiis niyang ginampanan ang mga tungkulin ng isang mabuting asawa at ina.  Iminulat niya sa pagkatakot sa Diyos ang kanilang kaisa-isang anak at inalagaan ang kanyang asawa nang ito’y magkasakit nang mahabang panahon.

Nang mamatay ang kaniyang kabiyak, inilaan ang kanyang buhay sa paglilingkod sa mga maysakit at maralita.  Kasama ni San Vicente de Paul, itinatag nila ang isang samahan na ngayo’y kilala sa pangalang Sisters of Charity, na nagsimula noong 1633 sa limang babaeng inakit ni Madam Le Gras sa pagkakawanggawa sa ilalim ng pamamatnugot ni San Vicente de Paul.  Ang unang mga gawain nila’y ang pagtuturo ng katesismo sa mga bata at pag-aalaga sa mga maysakit at baliw.  Isa sa pinakamalaking samahan sa Santa Iglesya, ang mga madre ng Sisters of Charity ay patuloy pa rin hanggang ngayon sa kanilang pag-aaruga at pagkalinga sa libu-libong maysakit, maralita, baliw, at ulila sa buong daigdig sa kanilang mga ospital, paaralan at ampunan.

Namatay si Santa Luisa de Marillac noong Marso 15, 1660.

 

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

 

 


Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Tags: , , , , , , , , , , , , , ,

You can comment below, or link to this permanent URL from your own site.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: