San Cutberto

Obispo

Kapanganakan: 634

Kamatayan: 687

Araw ng Kapistahan: 20 Marso

Pintakasi: ng mga marino

 

Si San Cutberto ay isang hamak na tagapag-alaga ng mga tupa sa hilagang Inglatera noong ikapitong siglo.  Noong Agosto ng 651, namalas ni Cuberto ang isang pangitain sa dilim ng gabi: nakita niya sa alapaap ang isang maningning na liwanag at sa gitna nito’y dinadala ng mga anghel sa langit.  Iyon ay si San Aidan, ang Obispo ng Bambaorough na namatay noong gabing iyon.  Ito ang isa sa mga pangyayaring lalaong humikayat sa kanya upang lingapin ang kaligtasan ng kanyang walang kamatayang kaluluwa.  Pumasok siya sa monasteryong Melrose (malapit sa hilagang Inglatera) at pagkatapos, naging kasapi ng monastery ng Riponna ang tungkulin ay tulad ng isang mayordomo.  Tinupad niya nang buong katapatan ang tungkuling iyon alang-alang sa Diyos.

Noong taong 685, siya ay naging Obispo ng Lindisparne at bilang ama ng mga kaluluwang nasasakupan niya, kanyang nilakad ang mga bayan-bayan upang mangaral sa mga tao, mapalaganap ang tunay na pananampalataya at matulungan ang mahihirap at ang mga maysakit, lalo na nang magkaroon ng salot sa kanyang diyosesis. Ang kanyang pagtitiis at pagsang-ayon sa mahal na kalooban ng diyos sa gitna ng maraming gulo at gawain ay bunga ng kanyang malimit na pamumuni-muni at pagkakasakit.

 

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

 


Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Tags: , , , , , , , , , , , , , , ,

You can comment below, or link to this permanent URL from your own site.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: