San Jose Oriol

Pari, Doktor ng Teolohiya

Kilala rin bilang: Taumaturgo ng Barcelona

Kapanganakan: 23 Nobyembre 1650

Kamatayan: 23 Marso 1702

Araw ng Kapistahan: 22 Marso

 

Si Jose ay tiple o kantor sa simbahan, at siya’y napamahal sa mga pari hindi lamang dahil sa kanyang kaugalian kundi dahil sa kanyang matimyas na pagmamahal sa Santisimo Sakramento sa Altar.  Dahil diyan ay tinulungan siya sa kanyang pag-aaral hangang maging pari at Doktor ng Teolohiya.

Nang bawian ng buhay ang kanyang minamahal na ina noong1686, naglakad siya mula sa Barcelona hangang sa Roma upang dalawin ang mga libingan ng mga Apostol at ang mga simbahan sa lunsod na iyon.  Ipinagkaloob sa kanya, pagkatapos, ang isang benepisyo o parokya sa Barcelona sa simbahan ng Nuestra Señora de los Piños.  Isang ganap na pagtatakwil sa sariling kapakanan ang kanyang ipinamalas sa Barcelona: tatlong oras lamang ang itinutulog sa gabi at sa sahig kung matulog, at tubig at tinapay lamang ang kinakain sa loob ng dalawanpu’t anim na taon.  Ang kaunting kinikita niya ay ipinagkakaloob sa mahihirap at mga may sakit.

Balak niyang sumama sa mga misyonero sa ibang lupain para maging martir; kaya’t isang araw ay nagtungo sa Roma.  Subalit sa Marseilles, Pransiya ay nagkasakit at nakita niya sa isang pangitain ng Mahal na Birhen na nagpapabalik sa kanya sa Barcelona, alang-alang sa mga kapakanan ng mga bata at gayon din sa kapakinabangan ng mga minero.  Kinilala siya bilang “Taumaturgo (Griyegong salita na nangangahulugang “mapaghimala”) ng Barcelona” dahil sa kakayahan niyang makapagpagaling ng mga bulag, pipi, bingi, pilay, paralitiko at kahit ang mga nasa bingid na ng kamatayan.

 

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

Jones, T. H. (n.d.). Saint Joseph Oriol. In Saints.SPQN.com. Retrieved March 17, 2011, from http://saints.sqpn.com/catholic-encyclopedia-saint-joseph-oriol/

 


Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Tags: , , , , , , , , , , , , , , ,

You can comment below, or link to this permanent URL from your own site.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: