San Toribio de Mogrovejo

Obispo, Abogado

Kapanganakan: 6 Nobyembre 1538

Kamatayan: 3 May 1606

Araw ng Kapistahan: 23 Marso

 

Si Toribio, bago naging pari, ay isang abogado na dalubhasa sa mga batas ng simbahan at ng pamahalaan at mahilig magkawanggawa.  Pinili siya ng Haring si Felipe II na maging hukom sa lungsod ng Granada, at pagkatapos nahalal na maging arsobispo ng Lima, Peru sa Timog Amerika.

Ang kanyang diyosesis sa Lima, Peru ay lubhang malawak noong nagsisimula pa lamang ang Iglesya Katolika sa mga nasabing lupain. Marami ang mga katiwaliang umiiral maging sa pamahalaan at sa simbahan.  Ang lahat ng ito ay sinugpo ni San Toribio sa pamamagitan ng kanyang mga pangaral, panalangin at kawanggawa, sa pamamagitan ng mga sinodo at mga pagpupulong ng mga pari at taong-bayan.  Lagi niyang sinsabi: “winika ni Kristo: ‘Ako ang katotohanan’, at hindi ‘Ako ang kaugalian’”.  Ipinalalagay na siya ang unang nagtatag ng seminary sa buong Amerika, ang paaralan na pinapasukan ng mga nagpapari.  Marahil siya rin ang nagkumpil kina Santa Rosa ng Lima at San Martin de Pores.  Bago siya namatay nang taong 1606, ipinamahagi ang kanyang mga ari-arian sa Santa Iglesya at sa mga dukha.

 

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

 


Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Tags: , , , , , , , , , , , , ,

You can comment below, or link to this permanent URL from your own site.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: