Santa Catalina ng Sweden

Kapanganakan: 1331

Kamatayan: 24 Marso  1381

Araw ng Kapistahan: 24 Marso

Pintakasi: laban sa aborsyon at pagkakalaglag ng bata (miscarriage)

 

Si Santa Catalina ay ang ikaapat sa walong anak ni Santa Brigida ng Sweden, at asawa ni Eggard Von Kurnen, buhat sa isang mayamang angkan sa Sweden.  Nagkaroon sila ni Eggard ng panata na mananatiling birhen, bilang paghahandog sa Panginoong diyos.  Nang mamatay ang kanyang esposo, si Catalina ay tumira sa Roma, na kasama ang kanyang inang si Santa Brigida.  Marami ang lumigaw sa kanya, ngunit ang lahat ay tinalikdan upang ilaan lamang ang sarili para sa Panginoong Diyos.  Naglakbay siya sa Assisi, bayan ni San Francisco, at sa mga lupang banal sa Palestina, upang buhayin sa kanyang alaala ang hirap at kamatayan ng Mananakop.  Pagkamatay ng kanyang ina, siya ang nagpatuloy sa pagpapatayo ng isang samahan o kongregasyon ng mga madre (Brigittine Order).

Namatay si Catalina nang Marso 24,1381.  Sinasabi na noong nakaburol ang kanyang bangkay, may isang bituing maningning sa tapat ng kanyang tahanan.

 

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

 


Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , ,

You can comment below, or link to this permanent URL from your own site.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: