San Braulio

Obispo

Kamatayan: Taong 646

Araw ng Kapistahan: 26 Marso

 

Si San Braulio, isa sa mga santonglalong kilala sa Espanya noong ikapitong siglo, ay tubo sa Saragossa, sa isang marangal na angkan. Nag-aral siya sa monasteryoni Santa Engracia, na pinamahalaan ng kanyang kapatid na si Abad Juan. Ang kanyang pag-aaral tungkol sa relihiyon, pilosopiya at teolohiya ay ipinagpatuloy niya sa tanyag na paaralan ng Seville na pinagtuturuan ni San Isidro. Ang pagmamahalan ng dalawang ito ay nagbunga ng malaking kabutihan sa Espanya sapagkat lalong lumaganap ang pananampalataya at umunlad ang disiplina eklesiastika.

Si Braulio ang napiling humalili nang mawalan ng obispo ang lunsod ng Saragossa. Sinasabi na siya’y nahalal na obispo dahil sa isang himala: nakita ang isang globong apoy sa kanyang ulo sa oras ng halalan. Bilang isang mabuting pastol ng kawan ng Panginoon, si Braulio’y nagsumikap na masugpo ang kamalian at kasamaang hatid  ng mga Aryano sa pamamagitan ng kanyang matiyaga at mainam na mga pangaral at sulat. Kaagapay ng mga ito ang kanyang mataimtim na pananalangin sa Diyos upang mapabuti ang kanyang mga nasasakupan, ang pagpapakasakit sa pagkain nang kaunti at paglilimos sa mahihirap. Malimit niyang dasalin ang mga salmo sa banal na kasulatan.

Dumalo siya sa Kapulungan ng Toledo, na pinamumunuan ng kanyang matalik na kaibigang si San Isidoro, at siya rin ang inatasan ng mga obispo sa Espanya na sagutin ang mga paratang ni Papa Honorio I laban sa Espanya. Sinulat niya ang buhay ni San Emiliano. Pagkaraan ng dalawampung taong paglilingkod sa Panginoong Diyos, namatay si San Braulio noong 646.

 

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

 


Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: