Santa Barbara

Birhen, Martir

Kilala rin bilang: Isa sa Labing-Apat na Tagapag-ampong Banal

Kamatayan: 235

Araw ng Kapistahan: 27 Marso

Pintakasi: laban sa biglang kamatayan; laban sa sunog at kidlat; ng mga artilyero; ng mga bumbero

 

Si Barbara ay anak ng isang mayamang ginoo, si Dioscoro.  Ikinulong siya ng kanyang amang pagano sa isang tore upang malayo sa mundo at huwag makilala ng mga lalaki at doon sa tore’y pinaturuan nang hinggil sa karunungan at relihiyon ng mga pagano. Ngunit sa kabila nito, nangibabaw pa rin ang kagustuhan ni Barbara na mabinyagan bilang isang Kristiyano, kaya’t lihim siyang nakipagkasundo sa isang pari upang siya’y mabinyagan.  Sinasabing habang ang kanyang ama ay umalis para sa isang paglalakbay, nagpalagay ang santa ng tatlong bintana sa kanyang tore bilang isang paggalang sa misteryo ng Santisima Trinidad.

Nang makabalik ang kanyang ama at nalaman ang kanyang ginawa pati na ang kanyang pagpapabinyag bilang isang Kristiyano, nagalit ang kanyang ama at siya mismo ang nagsuplong sa at nagpugot sa ulo ng kanyang sariling anak matapos itong pahirapan sa pamamagitan ng pagkaladkad sa kanya sa lansangan.  Ngunit matapos patayin ang kanyang anak, agad na tinamaan si Dioscoro ng kidlat na siyang pumatay sa kanya.

Si Santa Barbara ay namatay noong 235.

 

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

n.a.  (2008). St. Barbara. In Catholic Saints. Retrieved March 25, 2011, from http://www.catholic.org/saints/saint.php?saint_id=166

 


Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: