San Ignacio ng Constantinople

Arsobispo

Kapanganakan: 799

Kamatayan: 877

Araw ng Kapistahan: 28 Marso

 

Si San Ignacio ng Constantinople ang bayaning nagsanggalang sa tunay na kapangyarihan ng Iglesia Katolika sa Silangang Europa laban sa mga may nais kumitil at sumugpo nito.

Si Nicetas (ang dating pangalan ni San Ignacio), anak ng Emperador Miguel I ng Constantinople, ay isinilang noong 799.  Sa kapabayaan ng kanyang ama, ang Imperyo ay naagaw ni Leon, isang taga-Armenia na kabilang sa kanilang mga heneral.   Ipinakulong nito ang mag-ama sa isang monasteryo at dito marahil nahubog si Ignacio sa gawang kabanalan at sa pagpapari; anupa’t parkaraan ng mahabang panahon, napili siyang maging arsobispo o patriarka ng Constantinople.

Noong panahong iyon, si Emperador Miguel III at ang kanyang konseherong si Bardas ang namumuno; ang masamang pamumuhay ng dalawang ito ay naging tudlaan ng mga pangaral ni Ignacio.  Sa pagkamuhi nila kay Ignacio, pinalayas nila ito sa Constantinople at inihalili ang patriarkang si Focio na kapanalig nila.  Dito nagsimula ang malubhang hidwaan ng dalawang pangkat — ang nasa Roma, na pumanig kay Ignacio, at ang nasa-Constantinople, na pumanig kay Focio.  Ito ang tinawag na Sisma ng Silangan at Kanluran.  Si Ignacio ay napatapon sa isang pulo at dito’y nagdanas ng maraming hirap at sakit bunga ng kanyang pagtatanggol sa kapangyarihan ng Simbahan at sa katotohanan.  Dumating naman ang pagkakataon na namagitan na si Papa Nicolas I at ang isang Kapulungang Pangkalahatan upang mabalik si Ignacio sa Constantinople.

Namatay si San Ignacio noong 877.  Sa Constantinople, tatlong santo ang naupo – sina San Gregorio Nazianceno, San Juan Crisostomo at San Ignacio.

 

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

 

 

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Tags: , , , , , , , , , , , , ,

You can comment below, or link to this permanent URL from your own site.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: