San Hugo ng Grenoble

Obispo

Kapanganakan: 1053

Kamatayan: 1 Abril 1132

Araw ng Kapistahan: 1 Abril

Pintakasi: laban sa sakit ng ulo

 

Si San Hugo (Hugh) ay isinilang sa Dauphine sa timog-silangang Pransiya noong 1053.  Ang ama niya ay naging monghe sa kumbento sa mga Cistercian noong mga huling araw ng kanyang buhay.  Si Hugo ay lumaki at nag-aral sa Valence.  Siya’y naging tanyag sa kanyang kabaitan at karunungan hanggang sa mapamahal siya sa arsobispo ng Lyons na humirang sa kanya bilang katulong sa pangangasiwa ng simbahan.  Nang magkaroon ng kapulungan ng mga pari at arsobispo sa Avignon noong 1080, si Hugo ay napiling maging obispo ng lunsod ng Grenoble sa kabila ng kanyang mahigpit na pagtutol.  Pagkaraan ng dalawang taong panunungkulan sa Santa Iglesia na nagbunga ng di kakaunting kabutihan sa kapakanan ng mga kaluluwa, si San Hugo ay nagtago sa Auvergne upang maisagawa ang tangi niyang pinapangarap sa buhay — ang kaligtasan at kabanalan ng kanyang kaluluwa.  Subalit pagkaraan ng ilang buwan, inutusan siya ni Papa Gregorio VII na magbalik sa kanyang diyosesis.  Sa Grenoble niya ipinagpatuloy ang kanyang pagiging obispo sa loob ng mahigit na limampung taon.

Sinasabi na si Hugo ang nabigay kay San Bruno ng lupa kung saan itinayo ang Grand Chartreuse, at dito’y tinulungan ni Hugo si Bruno na maitatag ang Orden ng mga Paring Cartuho (Carthusians).  Si San Bruno, ang naging Kompesor ni San Hugo, ay humanga kanyang pagpapakasakit: sa kanyang gawain sa araw-araw ay lagi niyang naaalala ang katunayan ng Diyos sa lahat ng dako; sa kanyang mga paglalakbay ay hindi sumasakay ng kabayo; ipinagbili ang kanyang kalis at singsing-obispo upang matulungan lamang ang mga maralita.

Noong Abril 1, 1131 yumao ang banal na obispo ng Grenoble.

 

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

 

 

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Tags: , , , , , , , , , , , , , , ,

You can comment below, or link to this permanent URL from your own site.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: