San Francisco ng Paula

Ermitanyo

Kapanganakan: 1416

Kamatayan: 2 Abril  1507

Araw ng Kapistahan: 2 Abril

Pintakasi: laban sa apoy o sunog

 

Ang santong ito’y pinangalanang Francisco sapagkat ipinalalagay na siya ang kaloob ng Diyos sa matiyagang pananalangin ng kanyang mga magulang kay San Francisco ng Assisi, nang sila ay nanalangin sa nasabing santo upang pagkalooban sila ng ng anak.

Isinilang si Francisco sa maliit na bayan ng Paula (Paola) sa Timog Italya noong 1416, at bilang pasasalamat ng kanyang mga mahirap na magulang, bago pa humantong sa edad na 20 ay ipinasok siya sa isang kumbento ng mga paring Pransiskano at dito niya natutuhan ang mga unang hakbangin tungo sa kabanalan.  Pagkaraan ng ilang panahon, nabuhay siya na parang ermitanyo sa isang gubat kasama na ilang mga kaibigan — ito ang simula ng isang sangay ng orden Pransiskano na kung tawagin ay Minimos (Franciscan Order of Minim Friars).  Sa buong buhay ng mga ito ay pulos gulay lamang ang kanilang kinakain sapagkat bawal sa kanila ang karne, gatas at itlog.

Si San Francisco ay kilala bilang isang propeta.  Isa sa mga nagawa niyang propesiya ay ang pagwawagi ng mga Turko sa Constantinople at sa Otranto.  Kilala rin siya sa kanyang kakayahang maghimala at magpagaling.  Kaya’t nang mamamatay na si Haring Luis XI ng Pransiya, hiniling ng haring ito kay Papa Sixto IV na papuntahin si San Francisco sa kanya sa pag-asang mapapagaling pa siya ng ermitanyo.  Hindi gumaling ang hari, ngunit sa mga huling sandali ng buhay nito ay nagbalik-loob siya sa Diyos sa tulong ng santo, kaya’t ang hari ay namatay ng mapayapa.  Bilang pasasalamat ng anak ng hari sa ermitanyo, nagpatayo siya ng mga monasteryo para sa mga prayleng Minimo.

Sa isang taong pumupuna at tumutuligsa sa kanyang ginagawang kabanalan, ito ang kanyang ginawa: hinawakan niya ang nagbabagang uling na hindi man lang nasunog ang kanyang kamay at sinabi sa taong kausap: “Ang lahat ng bagay ay sumusunod sa mga naglilingkod nang tapat sa Diyos.”  Ito ang dahilan kung bakit kinilala siyang pintakasi laban sa apoy o sunog.

Araw ng Byernes Santo, Abril 2, 1507, pumanaw ang santo.

 

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

Jones, T. H. (n.d.). Saint Francis of Paola. In Saints.SPQN.com. Retrieved March 31, 2011, from http://saints.sqpn.com/saint-francis-of-paola/

n.a.  (2008). Saint Francis of Paola. In Catholic Saints. Retrieved March 31, 2011, from http://www.catholic.org/saints/saint.php?saint_id=645

 

 

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Tags: , , , , , , , , , , , , , , ,

You can comment below, or link to this permanent URL from your own site.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: