San Isidro ng Seville

Obispo, Doktor ng Simbahan

Kamatayan: 636

Araw ng Kapistahan: 4 Abril

 

Si San Isidoro ay batang kapatid ni San Leandro ng Seville, San Fulgencio ng Ecija at Santa Florentina ng Cartagena.  Siya’y tinuruan ng kanyang kapatid na si Leandro sa Seville at sinasabi na sa kahigpitan nito sa pagtuturo, tumakas si Isidro.  Sa paglalakbay niya’y napahinto sa tabi na saluysoy at doo’y napuna ang matigas na batong unti-unting naaagnas sa patak ng tubig, bagay na nagpapahiwatig sa kanya na walang bagay na mahirap o di makakamtan ng tao kung siya’y may tiyaga at sipag.  Nagbalik si Isidro at nagsikap na mag-aral.  Siya ang naging pinakamarunong na tao noong kapanahunan niya.

Sinikap niyang akitin sa Kristiyanismo ang mga Godo na nagdulot ng kapinsalaan sa Espanya; pinamumunuan ang mga Kapulungan sa Simbahan sa Seville at Toledo; ipinag-utos ang pagtatatag ng paaralan sa mga bayan-bayan.  Inayos niya ang seremonya sa Misa, at ito ay kinilalang Mozarabic liturgy.  Pinairal niya ang malawak na kaalaman sa maraming bagay at ang patunay nito ay matatagpuan sa sinulat niyang libro — isa sa mga ito ay ang Etimologias na siyang pinaka-ensiklopedya sa buong Europa nang mga panahong iyon.  Ang aklat na ito’y sinulat niya bilang pagbibigay sa pagsusumamo ng matalik niyang kaibigang si San Braulio, ang obispo ng Saragossa.  Sumulat din siya hinggil sa mga halaman, mineral, heograpiya, matematika, medisina, kasaysayan, astronomiya, grammatika, toelohiya, pilosopiya at sa Banal na Kasulatan.

Nang mamatay si San Leandro, si San Isidro ang naging obispo ng Seville na kanyang pinamahalaan sa loob ng mahigit na tatlumpung taon sa malaking kapakinabangan ng Santa Iglesiya at ng mga kaluluwa.

 

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

Jones, T. H. (n.d.). Saint Isidore of Seville. In Saints.SPQN.com. Retrieved March 31, 2011, from http://saints.sqpn.com/saint-isidore-of-seville/

 

 

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Tags: , , , , , , , , , , , , ,

You can comment below, or link to this permanent URL from your own site.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: