Santa Crescencia Hoess

Madre

Kapanganakan: 1682

Kamatayan: 1744

Araw ng Kapistahan: 6 Abril

 

Si Crescencia, anak ng isang manghahabi, ay isinilang noong 1682 sa maliit na bayan malapit sa Augsburg.  Ang simbahan ang kanyang naging palaruan habang tinutulungan ang mga batang higit pang mahirap kaysa sa kanya.  Sa gulang na pitong taon, nakabisado na niya ang iba’t ibang aral tungkol sa relihiyon kung kaya’t pinayagan siyang makatanggap ng Sakramento ng Banal na Komunyon sa murang edad na iyon.  Siya ay tinaguriang “munting anghel” sa kanilang bayan.

Nang siya’y lumaki ninais niyang pumasok sa kumbento (Tertiaries of St. Francis).  Ngunit mahirap lang ang kumbento nang mga panahong iyon, kaya’t hindi tinanggap ng superyora ng kongregasyon si Crescencia dahil sa wala siyang maibigay na dote.  Namagitan naman ang Protestanteng Alkalde ng bayan para kay Crescencia kung kaya’t napilitan ang superyora na tanggapin si Crescencia.  Naging miserable ang buhay niya sa loob ng kumbento dahil itinuring siyang pabigat ng mga kapwa niyang madre.  Si Crescencia ay ginawa nilang parang isang utusan, maging ang kanyang pagiging magiliw ay itinuring na pakitang-tao lamang.

Nagsimulang magbago ang mga pangyayari sa buhay ni Crescencia makalipas ang apat na taon, nang mahalal ang bagong superyora na nakakakilala sa kanyang kabutihang-loob.  Itinalaga siya ng kanyang bagong superyora bilang tagapamahala ng mga nobisyada.

Mula noo’y minahal at iginalang si Crescencia ng mga kapwa niya madre kung kaya’t nang pumanaw ang supreyora, nahalal si Crescencia bilang kapalit nito.  Sa kanyang pamumuno, umunlad ang kondisyong pinansyal ng kumbento.  Sa malayo’t malapit ay hinangaan siya dahil sa kanyang kabanalan kung kaya’t di naglaon ay lumapit sa kanya ang mga prinsipe at prinsesa gayundin ang mga obispo at cardinal upang humingi ng payo.  Sa kabila nito, nanatili ang kanyang kababaang-loob.

Nakaranas din si Crescencia ng iba’t ibang sakit sa katawan tulad ng pananakit ng ulo at ngipin.  Subalit ang pinakamatinding karamdamang kanyang naranasan ay ang unti-unting pagkalumpo at pagkabaluktot ng kanyang katawan tulad ng sa sanggol sa sinapupunan.  Sa kabila ng mga karamdamang ito ay nawika niya: “O kayong mga bahagi ng aking katawan, purihin ninyo ang Diyos sapagakat binigyan niya kayo ng pagkakataong upang magpakasakit.”  Mapayapa at maligaya siyang pumanaw noong 1744, linggo ng Muling Pagkabuhay ni Jesus.

 

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

 


Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Tags: , , , , , , , , , , , , ,

You can comment below, or link to this permanent URL from your own site.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: