San Juan Bautista de La Salle

Pari, Guro

Kilala rin bilang: Ama ng Modernong Edukasyon

Kapanganakan: 30 Abril 1651

Kamatayan: 7 Abril 1719

Araw ng Kapistahan: 7 Abril

Pintakasi: ng mga guro

 

Dahil sa kanyang malasakit sa kabataan, si Juan Bautista de La Salle ay nagtatag ng isang samahan para magturo sa mga kabataan, na siyang simula ng tinatawag na Brothers of the Christian Schools.  Ang mga brothers na ito ay hindi mga pari; sila’y nabubuhay nang sama-sama upang ilaan ang kanilang buhay sa pagtuturo ng mga kabataan na angkop sa mga aral ng ating Panginoon.

Ipinanganak sa Rheims, Pransiya, nang Abril 30, 1651, si Juan ay pumasok sa seminaryo sa Paris upang magpari.  Ngunit dahil siya ang panganay sa sampung magkakapatid, kinailangang lumabas upang pangalagaan ang kanyang mga kapatid nang sila’y maulila sa kanilang mga magulang.  Nang lumaki na ang kanyang mga kapatid, bumalik siya sa seminaryo upang ituloy ang pagpapari.  Naordinahan siya noong 1678.

Kilala si Juan sa kanyang mga ginawa para sa mga mahihirap.  Nang magkaroon ng matinding taggutom sa nasabing bayan, ipinamahagi ang lahat niyang ari-arian upang tulungan ang nagugutom at naghihikahos.

Lalong kilala si Juan sa kanyang mga ginawa na may kaugnayan sa edukasyon.  Nagtayo siya ng mga paaralan na walang bayad para sa mga mahihirap na bata.  Itinatag din niya ang La Salle Brothers. Siya ang unang nagbigay ng kaukulang-bigat sa pagtuturo sa silid-aral ng higit sa indibiduwal pagtuturo at nagtatag ng unang paaralan para sa mga guro.  Siya ang nagpasimula ng paghahati ng mga mag-aaral sa iba’t ibang grado; ng mga paaralang sekundarya; ng mga paaralan para sa paghahanapbuhay; at ng pagtuturo gamit ang wikang bernakular sa halip ng wikang Latin.

Lagi niyang sinasabi: “Sinasamba ko sa lahat ng bagay ang Mahal na Kalooban ng Diyos sa akin.”  Winika niya kay Brother Hubert: “Sikaping huwag paglingkuran ang iyong sarili, huwag sundin ang iyong kalooban.  Mayroong mga pangungusap na kasuklam-suklam sa mata ng Diyos na hindi nagtatamo ng kanyang biyaya.  Ang sariling kalooban ay siyang naghahatid sa demonyo, ayon kay San Bernardo.”

Namatay si San Juan Bautista de La Salle noong Abril 7, 1719 sa lunsod ng Rouen.

 

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

Jones, T. H. (n.d.). Saint John Baptiste de La Salle. In Saints.SPQN.com. Retrieved April 6, 2011, from http://saints.sqpn.com/saint-john-baptist-de-la-salle/

n.a.  (2008). St. John Baptist de la Salle. In Catholic Saints. Retrieved April 6, 2011, from http://www.catholic.org/saints/saint.php?saint_id=153

 

 

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Tags: , , , , , , , , , , , , , , ,

You can comment below, or link to this permanent URL from your own site.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: