Santa Julia Billiart

Madre

Kamatayan: 1816

Araw ng Kapistahan: 8 Abril

 

Panglima sa pitong magkakapatid, si Julia Billiart ay isinilang sa isang  pamilya ng mga magsasaka sa Cuvilly, Pransiya.  Dahil sa kanyang interes sa relihiyon at sa pagtulong sa may sakit at mahihirap, bata pa lang siya ay ginugol na niya ang kanyang libreng oras sa pagtuturo ng katesismo sa mga kabataan at sa mga magsasaka.

Nang siya’y dalaga pa, nasaksihan niya ang tangkang pagpatay sa kanyang ama at nagkaroon ito ng masamang epekto sa kanyang nervous system: nalumpo siya.  Sa sumunod na mahigit dalawang dekada, ipinagpatuloy ni Julia ang kanyang pagtuturo ng Katesismo bagama’t nakaratay sa kanyang higaan.  Nagbigay siya ng mga payong espiritwal sa maraming taong lumalapit sa kanya nang kanilang nabalitaan ang kanyang kabanalan.

Noong 1789, panahon ng rebolusyon ng mga Pranses, inusig ng hukbong rebolusyonaryo si Julia nang malaman nilang tinutulungan niya ang mga takas na pari.  Dahil dito, napilitan siyang tumakas, sa tulong ng kanyang mga kaibigan.  Sa kabila ng pisikal na sakit na kanyang nararamdaman, nagpalipat-lipat siya ng bahay upnag hindi mapahamak ang mga kaibigan niya na itinatago siya mula sa gma naghahanap sa kanya.

Sa halip na panghinaan ng loob, ang panahong ito ng pag-uusig kay Julia ay naging isang pagkakataon upang lumago ang kanyang pananampalataya.  Ito rin ang panahon na nagkaroon siya ng pangitain.  Nakita niya sa Kalbaryo ang maraming madreng nakasuot ng abitong noon lamang niya nakita at narinig niya ang tinig na nagsabing: “Masdan ninyo ang aking mga anak na binibigyan ko ng isang institusyong may marka ng krus.”  Paglipas ng panahon, nakilala ni Julia ang isang mayamang babae na si Francoise Blin de Bourdon, na nagkaroon ng din ng interes sa pagtuturo ng pananampalataya tulad ni Julia.  Noong 1803, itinatag nina Julia at Francoise ang Institute of Notre Dame, na ang pangunahing layunin ay magturo sa mahihirap, gayundin sa mga kabataang babaeng Kristiyano at mga katekista.  Nang sumunod na taon, bunga ng isang milagro, gumaling si Julia sa kanyang karamdaman.  Siya ay nakalakad na muli pagkalipas ng mahabang panahon ng pagkalumpo.

Mula sa pagkatatag ng Sisters of Notre Dame hanggang sa kanyang kamatayan, si Julia ay palaging naglalakbay upang magbukas ng mga paaralan sa Pransiya at Belgium.  Nang pumanaw siya noong 1816, may labing-limang kumbento na ang Kongregasyon.

 

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

Jones, T. H. (n.d.). Saint Julia Billiart. In Saints.SPQN.com. Retrieved April 6, 2011, from http://saints.sqpn.com/saintj69.htm

n.a.  (2008). St. Julie Billiart. In Catholic Saints. Retrieved April 6, 2011, from http://www.catholic.org/saints/saint.php?saint_id=297

 


Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Tags: , , , , , , , , , , , , ,

You can comment below, or link to this permanent URL from your own site.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: