San Macario ng Ghent

Obispo

Kamatayan: 1012

Araw ng Kapistahan: 10 Abril

Pintakasi: laban sa salot o epidemya

 

Sa Belgium ay kilalang-kilala si San Macario bilang pintakasi laban sa salot o epidemya.  Ayon sa kaunting nalalaman sa buhay ni Macario, siya’y napiling maging Obispo ng Antioch, Psidia, ngunit dahil sa kanyang kababaang-loob ay naglakbay sa Jerusalem upang malayo sa mga karangalang ipinagkaloob sa kanya ng mga tao.  Sa Jerusalem, nahulog siya sa kamay ng mga Saraseno.  Nang siya’y makatakas, nagtungo siya sa Kanlurang Europa – sa Cologne, Malines, Kumbarai, Tournai at Gheny sa Belgium – at sa kanyang paglalakbay sa mga lugar na ito ay nakagawa siya ng maraming milagro.  Nakituloy siya sa monastery ng mga Benedicto ni San Bravo, kung saan siya’y tuluyan nang namalagi.

Nang mga panahong iyon ng kanyang pamamalagi sa Ghent ay naging biktima siya ng lumalaganap na salot sa nasabing lugar na siyang naging sanhi ng kanyang kamatayan.  Hinulaan niya na sa pagkamatay niya’y titigil ang salot, bagay na tunay na natupad.  Dahil dito’y kinikilala siyang pintakasi laban sa epidemya o salot.

Sumalangit ang banal na alagad ng Diyos noong 1012 sa Lungsod ng Ghent, na kinalalagyan ng kanyang bangkay.

 

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

 

 

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Tags: , , , , , , , , , , , , , , , ,

You can comment below, or link to this permanent URL from your own site.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: