San Estanislao ng Cracow

Obispo, Martir

Kapanganakan: Hulyo 26, 1030

Kamatayan: Mayo 8, 1079

Araw ng Kapistahan: 11 Abril

Pintakasi: ng Cracow, Poland

 

Noon ay naghahari sa bansang Poland ang isang magiting at matapang na tao, si Boleslao II.  Subalit ang kanyang kahusayan sa larangan ng labanan ay napangimbabawan ng kanyang kalupitan at kahalayan; natakot ang buong palasyo sa kanya at isa man ay walang nangahas na magsalita laban sa kanya.  Nang minsa’y tanggihan siya ng isang babae, ito’y ipinahuli niya at ipinakulong sa palasyo.  Isang tao lamang ang nangahas magsalita sa kanya, sa pag-asang maipakita sa hari ang mga kamaliang nagawa nito at mabuksan ang daan sa pagbabago nito.

Si San Estanislao ay taga-Cracow, Poland, anak ng pagmamahalan ng isang mayaman at marangal na angkan.  Ipinanganak siya noong Hulyo 26, 1030.  Sa hangarin niyang mapalapit sa Maykapal, ipinamigay niya ang mga ari-arian sa mga dukha nang mamatay ang kanyang mga magulang at siya’y naging alagad ng Diyos.  Nag-aral siya sa lunsod ng Gnesen at Paris.  Naging obispo siya ng Cracow noong 1072 sa kahilingan ng bayan at sa pagpipilit ng Papang si Alejandro II.

Bilang obispo, katangi-tangi ang kanyang pagmamahal sa mga dukha at mga nangangailangan at ang kanyang pagtatangol sa mga karapatan ng Santa Iglesya.

Si Haring Boleslao II ay napoot nang gayon na lamang kay Estanislao kaya’t ito’y humanap ng mga paraan upang siraan ang mabuting obispo.  Binuhay ng hari ang isang usapin tungkol sa lupa na umano’y sinamsam ni Estanislao sa isang nagngangalang Pedro, lupang di niya binayaran hanggang sa ito’y mamatay.  Ngunit hindi siya nagtagumpay: sinasabi na ang patay na si Pedro ay humarap mismo sa hukuman upang ipagtanggol ang karangalan ng obispo!  Minsan, sinundan ng hari si Estanislao sa kanyang pagmimisa sa labas ng lunsod, sa balak na ito’y ipapatay.  Nang ayaw siyang sundin ng kanyang mga kawal, siya na rin ang kumuha ng espada at sa pamamagitan nito ay pinugutan ng ulo ng santo, na siyang ikinamatay nito noong Mayo 8, 1079, sa simbahan ng San Miguel.

 

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

 

 

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Tags: , , , , , , , , , , , , , , ,

You can comment below, or link to this permanent URL from your own site.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: