San Julio I

Papa

Kilala rin bilang: tagapagtatag ng Vatican Archives

Kamatayan: 12 Abril 352

Araw ng Kapistahan: 12 Abril

 

Ang pinakamataas na kapangyarihansa lupa na dili’t iba ang maging kahalili ni Cristo sa lupa sa pamumuno ng kanyang Simbahan ay kinasangkapan ni San Julio I sa pagpapakabanal sa kanyang sarili at sa iba.  Anak ni Rustiko na taga-Roma, si Julio ay nahalal na Papa, kapalit ni Papa San Marcos.  Sa mga ligalig na likha ng mga tagasunod ni Eusebiong patriarka ng Constatinople na katig sa erehiyang Semi-Aryanismo, ay napalahok si Papa Julio.  Nang mga panahong iyon, ang banal na Obispo ng Alexandria, si San Atanasio, ay pinaalis ng mga Eusebiano at inihalili ang isang kumakatig sa kanila.  Ang nangyari’y ang dalawang panig ay nagpadala ng kani-kanilang mga kinatawan kay Papa Julio I sa Roma upang lutasin ang mahigpit na sularing iyon, kaya nagpatawag ng pulong sa Sardica, Illyria ang Papa.  Subalit ang mga Eusebiano ay hindi dumalo at idinahilan ang digmaan ng mga Persa.  Sa kapulungang iyon ay kinilala ng Simbahan ang tunay na kapangyarihan ni San Atanasio at tinuligsa ang pagkakamali at panghihimasok ng mga taga-sunod ni Eusebio sa diyosesis sa Alexandria, Africa.

Kinikilala siya bilang tagapagtatag ng Vatican Archives sapagkat siya ang nagpautos na pangalagaan at imbakin ang mga opisyal na dokumento ng Vatican.

Sa loob ng labing-anim na taong panunungkulan ni Papa Julio I, nakapagpatayo siya ng maraming simbahan sa Roma at ng tatlong sementeryo.  Nang mamatay siya noong Abril 12, 352 ay inilibing siya sa sementeryo ni Kalepodio.

 

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

 

 

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Tags: , , , , , , , , , , , , , , ,

You can comment below, or link to this permanent URL from your own site.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: