San Martin I

Papa, Martir

Kamatayan: 656

Araw ng Kapistahan: 13 Abril

 

Si San Martin I ay naging Papa ng Iglesia Katolika nang taong 649-655 kahalili ng Papang si Teodoro I.  Naging kinatawan siya ni Papa Teodoro I sa lunsod ng Constatinople upang pamunuan ang mga gusot at suliranin ng simbahan sa nasabing bayan.  Nang taong 649, tinawag niya ang kapulungan ng mga Obispo sa Palasyo Laterano (Lateran Council) upang sugpuin ang erehiyang Monotelismo, na lumaganap sa mga bansa sa silangang Europa.  Sinasabi ng erehiyang Monotelismo na walang pangtaong kalooban si Kristo.

Nang ito ay malaman ni Emperador Constans II, na sumusuporta sa Monotelismo, ipinahuli niya si San Martin buhat sa Roma at ikinulong sa Constantinople.  Pinahirapan siyang maigi, pinagbintangang traydor sa Imperyo, at pagkatapos ay ipinatapon siya sa Crimea.  Doon na siya namantay noong 656.  Tulad ni San Pedro Apostol, ang banal na Papang ito ay nagdanas ng maraming krus sa pagtatanggol sa mga aral ng Mananakop.

 

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

 


Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Tags: , , , , , , , , , , , , , , ,

You can comment below, or link to this permanent URL from your own site.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: