San Luis Maria ng Montfort

Pari

Kapanganakan: 1673

Kamatayan: 1716

Ang buhay ni Luis ay umiikot sa pagpapalaganap ng debosyon kay Maria, ang ina ni Jesus at ng simbahang Katolika. Totus tuus (buong-buong saiyo) ang personal na sawikain ni Luis; ito rin ang pinili ni Papa Juan Pablo II upang maging sawikain episkopal.

Isinilang si Luis noong 1673, sa bayan ng Montfort sakop ng diyosesis ng Saint-Malo (Pransiya). Naging bantog ang baying sinilangan niya dahil kalakip ito ng kanyang pangalan. Nag-aral si Luis sa ilalim ng pagggabay ng mga Heswita sa Rennes at Sulpicians at inordenahan siyang pari noong 1700.

Di nagtagal nagsimula siyang mangaral sa iba’t ibang parokya sa kanlurang Pransiya. Ang panahong ginugol niya sa paglilingkod sa mahihirap ay nag-udyok sa kanya upang maglakbay at mamuhay nang payak. sa kanyang pangangaral, na umakit sa libu-libong tao pabalik sa pananampalatayang Katoliko, iminungkahi ni Padre Luis ang malimit at araw-araw na pagtanggap ng Banal na Komunyon ( na di kaugalian noong araw), at ang pagtulad kay Birheng Maria sa patuloy na pagtanggap sa kalooban ng Diyos sa kanyang buhay .

itinatag ni Luis ang Missionaries of the Company of Mary (para sa mga pari at relihiyoso) at ang Daughters of Wisdom, na ang pangunahing layunin ay mag-alaga ng mga maysakit. Ang kanyang aklat na True Devotion to the Blessed Virgin ay naging kalsikal na pinagkukunan ng paliwanag tungkol sa debosyon kay Maria.

Pumanw si Luis sa Saint-Laurent-sur-Sevre noong 1716, kung saan itinayo ang isang basilica sa kanyang karangalan. Tinanghal siyang santo ng Simbahan noong 1947.

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: