San Pedro Chanel

Kamatayan: 1841

Araw ng Kapistahan: 28 Abril

Si Pedro Chanel ay isinilang sa diyosesis ng Belley, Pransiya nang taong 1803; nanging pari, coadjutor sa parokya at pagkatapos na maging paroko at rector sa seminary, sumapi sa kongregasyon ng mga Marista. Ipinadalasiya sa mga pulo ng Oceania sa Pacifico upang ipangaral sa Cristo sa mga taong hindi pa nakakakilala sa kanya. Sa kabila ng mga pag-uusig at kahirapan ay marami ang yumakap sa pananampalatayang Katoliko. Naging kahanga-hanga ang kanyang pakikitungo sa mga tao sa pulo ng Futuna, lagi siyang masaya anu man ang kanyang tinitiis sa hirap at sakit. Sa kanyang matimyas na pamimintuho sa Mahal na Ina ay lagging hinihingi ang pagbabalik-loob ng mga tao sa Oceania. Ang mga pinunong pagano ay tutol sa kanyang mga pangangaral sapagkat natatakot sila na baka lumayo ang mga tao sa kanilang kapangyarihan, kaya si San Pedro ay pinatay sa kahindik-hindik na paraan. Winika ni San Pedro: “Walang saysay sa akin kung ako man ay mamatay.” Ang pagiging Kristiyano ng anak ng hari ng Futuna ay siyang naging dahilan kung kaya pinapatay siya ng hari, nang taong 1841. Tinanghal siyang santo noong 1954 at ang kanyang kapistahan ay idinaraos sa Australia at New Zealand at gayon din ng mga Marista.

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: