San Pio V

Obispo, Papa

Kamatayan: Mayo 1, 1572

Araw ng Kapistahan: 30 Abril

Samantalang ang Santo Papa sa Roma ay nakikipanayam sa mga cardinal, bigla itong nagtungo sa bintana tumingala sa langit at winika, “Hindi ngayon oras ng pagpupulong, tayo’y nagpapasalamat sa Diyos at nagtatagumpay ang ating mga hukbo !” Sa isang himala ng Diyos, napag-alaman ng Papa ang maluwalhating pagwawagi ng mga kristiyano laban sa mga Turko sa look ng mga Lepanto. Ito ang maningning na tagumpay ng mga Kristiyanismo laban sa Mahometanismo noong Oktubre 7, 1571 sa ilalim ng pamumuno ng Papang si San Pio V, ang Papang nagtatag ng kapistahan ng Santo Rosaryo sa ika-7 ng Oktubre, bilang pasasalamat sa Diyos sa tagumpay ng Lepanto, ang Papang nagbigay sa atin ng katesismo ng Tridentino, ng Breviario(Dasalan ng mga Pari) at ng Misal.

Galing sa isang mahirap na angkan sa Bosco Marengo noong 1504, Si Miguel Ghislieri ay naging Obispo noong 1556 at cardinal noong 1558. Nang mamatay ang Papa Pio IV, siya ang nahalal na Papa sa pangangasiwa ni San Carlos Borromeo at tinaglay ang pangalang PIO V – isang pangalang kilalang-kilala sa kasaysayan dahil sa pagsugpo niya sa maraming katiwalian sa Roma, sa Protestanismo at sa Mahometanismo. Ipinasunod ng Papang ito ang mga kapasiyahan ng kapulungan ng Tridentino tungo sa disiplina eklesiyastika, kabanalan ng mga alagad ng Diyos at pagpapatayo ng mga seminary. “Ako’y tinatawag ng Diyos,” wika niya, “Sa karangalang ito, hindi para paglingkuran ako ng simbahan kundi para siya ang aking paglingkuran.” Malaki ang tiniis ng santong ito, bunga ng kanyang pagpapakasakit. “dagdagan mo Panginoon, ang aking mga krus, ngunit dagdagan mo rin ang aking pagtitiis,” hiling niya sa Diyos.

Noong Mayo 1, 1572 sumalangit si San Pio V.

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: