Ang Birhen ng Antipolo

Araw ng Kapistahan: 3 Mayo

Ang makasaysayang larawan ng Birhen ng Antipolo ay dinala rito sa Pilipinas ng  Gobernador heneral Juan Nino de Tabora noong ika-18 ngHunyo, 1626 mula sa bansang Mexico. Nang mamatay ang Gobernador de Tabora, ipinagkaloob niya ang larawan sa mga Paring Heswita sa Intramuros, Maynila at ito’y kanilang dinala sa Antipolo ng pangasiwaan ang mga bayan sa lalawigan ng Morong (Rizal).

Sinasabing may makalawang nawala ang larawan sa pook na kinalalagyan at parating natatagpuan sa isang punongkahoy na ang pangalan ay tipolo – diyan nanggaling ang salitang tipolo o antipolo. Dahil sa himalang iyan ang mga Paring Heswita ay nagpagawa ng isang simbahan sa pook na iyon at ang kapirasong kahoy ng tipolo ay ginawang tuntungan ng Birhen. Noong 1639, nagkaroon ng aklasan ng mgaTsino; sinunog nila ang bayan at ang simbahan. Tinangka nilang sunugin ang Birhen subalit hindi ito nasunog. Pagkaraan, Dinala ang Birhen sa Cavite.

Mula noong 1648 malimit dalhin ang Birhen sa paglalakbay ng mga galleon mula sa Pilipinas hanggang Mexico. Dahil sa pangyayaring iniligtas ng Birhen ang mga galleon sa mga pirata at ibang panganib, siya ay tinaguriang Birhen ng kapayapaan at Maligayang Paglalakbay, Ang koronasyon ng Birhen ay ginanap sa Luneta noong ika-27 ng Nobyembre 19926 ng Arsobispo Miguel O’Doherty. Ang pista ng Birhen ay sa unang Martes ng Mayo.

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: