San Juvenal

Obispo, manggamot

Kilala rin bilang: Patron ng katedral sa lunsod ng Narni, Italya

Kamatayan: 376

Araw ng Kapistahan: 4 Mayo

Ang PATRON ng katedral sa lunsod ng Narni, Italya, ay si SAN JUVENAL, na siyang naging unang obispo ng nasabing bayan. Siya ay pari at manggamot na nanggaling sa ilanganan; pagdating niya sa Narni ay pinatuloy ng isang babaeng nagngangalang Philadelphia. Doon sa kahilingan ng mga Kristiyano, siya ay ginawang Obispo ng Papa Damaso.

Samantalang dumaraan sa tapat ng templo ng isang idolo na si Bacus, siya ay hinataw ng pari ng idolo, sapagkat ayaw niyang sumamba sa diyus-diyosan. Sa halip na masaktan, ang paring pagano ang siyang napugutan ng ulo, bagay na lubhang hinangaan ng taong bayan, at sila ay naging Kristiyano. Nang, ika-limang taon ng kanyang pagiging Obispo, ang bayan ng Narni ay sinalakay ng mga kaaway. Dahil sa panalangin ng santo at ng buong bayan, biglang kumidlat at umulan ng malakas na siyang ikinasawi ng mga sumalakay. Namatay si San Juvenal ng taong 376. Hanggang ngayon ay marami pa ang may debosyon sa kanyang libingan sa Narni.

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: