San Juan ng Beverly
Obispo
Kamatayan: 721
Araw ng Kapistahan: 7 Mayo
Ang unang sumulat ng buhay ng santong ito ay si San Bade na tumanggap ng pagkapari sa kanyang kamay at naging saksi sa kabanalan ng santo. Siya ay sumilang sa Harpham, Yorkshire. Nang kabataan niya, nagtungo sa kent upang mag-aral at magpakabanal sa paaralan ni San Teodoro na pinamamahalaan ng anad na si Adriano. Dahil sa kanyang pambihirang kakayahan at kabanalan siya’y hinirang na maging Obispo sa Hexham.
Kinatatangian niyang gawin ang malimit na pagdidili-dili ng mga katotohanan ng diyos at ang pag-aalaga sa mga dukha. Nang mamatay ang Obispo ng York na si San Bosa, si San Juan ang hinirang na pumalit sa kanya. Bilang Obispo ng York, malimit siyang nagpupunta sa isang monastery sa gubat na tinatawag na Beverly, at dito ay inilaan ang huling mga panahon ng kanyang buhay, bilang isang monghe. Pumanaw siya noong taong 721.
Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.
Leave a Reply