San Victor Maurus

Sundalo

Kamatayan: 303

Araw ng Kapistahan: 8 Mayo

Si Victor Maurus ay tubong Mauretania. Isinilang siya noong ikatlong siglo, at kilala sa tawag na Maurus upang maiba siya sa mga kumpesor na may pangalang Victor. Siya ay pinaniniwalaang naging sundalo sa Praetorio. Simula pa ng kabataan ni Victor, isa na siyang Kristiyano subalit sa pagtanda lamang siya dinakip dahil sa kanyang pananampalataya. Matapos ang matinding pagpapahirap sa kanya, pinugutan ng ulo si Victor Maurus noong 303 sa Milan sa kautusan ni Maximinian. Di nagtagal isang simbahan ang itinayo sa ibabaw ng kanyang puntod. Ayon kay San Gregorio ng Tours, maraming mga milagro ang nangyari sa simbahang iyon. Noong 1576, sa kahilingan ni San Carlos ng Borromeo, inilipat ang mga relikya ni Victor sa bagong simbahan sa Milan na itinatag ng mga mongheng Olivetan. Hanggang ngayon ang simbahang iyon ay nagtataglay pa rin ng pangalan ni San Victor.

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: